Huwebes, Setyembre 15, 2011

Banghay-Aralin Gamit ang Values Clarification Technique


BANGHAY ARALIN
SA
FILIPINO 4

I. Layunin
           
            Sa pamamagitan ng values clarification technique ang mga estudyante na may 80% ay inaasahang:

            1.nakikilala ang mga tauhan sa kwento sa pamamagitan ng paglalarawan sa bawat isa;
            2.napapahalagahan ang bawat simbolismong ipinahayag sa kwento; at
            3.nakasusulat ng buod mula sa kwentong binasa.

II. Paksang Aralin

             Konsepto: Hustisya o Katarungan
             Paksa: Walang Panginoon
            Kasanayang Dapat Linangin: Pagkakaintindi sa mga pangyayari, pagpapahalaga sa opinion ng iba.
            Pagpapahalagang Moral: Sariling pagpapasya, pagkapantay-pantay

III. Kagamitang Instruksyunal:

            Sanggunian: Candelario, Marietta T. et.al. KAWIL IV.pp.143-149
            Kagamitan : Akla, kopya ng artikulo.

IV. Pamamaraan( Values Clarification)

            1.Pambungad na Gawain
                (Ang guro ay gagamit ng Value Sheet Technique)

                •)Naranasan mo na bang apihin ng mga nakatataas sa iyo?
                •)Ano ang ginawa mo sa mga pang-aaping ito?
                •)Nakamit mo ba ang hustisya o katarungan?

            2. Paglilinang na Gawain (Brainstorming)
                ( Ang guro ay mamamahagi ng isang artikulo tungkol sa isang prenda)

Si  S/Insp. Rolando Mendoza: Isang Prenda
           
            Si Rolando Mendoza ay isang matapang at mabait na pulis ayon sa kanyang mga kasamahan sa Manila Police District. Noong Pebrero ,1986 ay nasibat nila ang isang van na lulan ang pera na sinasabing ninakaw ni Marcos mula sa kaban ng bayan. Dahil sa nangyaring yaon siya ay ginawaran ng isang plake o isang pagkilala bilang isa sa Top Ten Outstanding Policemen ng Jaycees International. Gradwado sa kursong kriminolohiya.  At isang matagumpay na ama. May anak na kapareho niya ng katungkulan.
            Natanggal siya bilang hepe ng Mobile Patrol Unit dahil sa pagkakadawit sa illegal na droga at extortion. At dahil sa labis na pagkadismaya hinjack niya ang isang bus na kinalululanan ng mga Chinese nationals na nais lang magbakasyon at mamasyal dito sa bansa. Ngunit ang pagbabakasyon ay nauwi sa isang madugong karanasan.
            Ang sanhi ng lahat ng kanyang ginawa ay ang kanyang pagkatanggal sa serbisyo, na ang naging bunga ay ang pagkamatay ng mga inosenteng mga dayuhan. Para na niyang inilagay sa kanyang mga kamay ang batas na dapat ang husgado ang magdedesisyon.

            At sa nangyaring pagkamatay niya, ng tamaan siya ng bala sa isa sa mga sniper ay di-umano ay hindi makatarungan. Ang tanong ng marami ay kung tama ba ang ginawa ng mga awtoridad o mali?

              Panuto: Basahin ng tahimik at intindihing mabuti.

               •) Basahin ng indibidwal ang artikulo tungkol sa isang prenda at suriing mabuti ang ginawa ng                           prenda.
               •) Pangkatin ang klase sa 5 grupo.
                  Bawat grupo ay magtatalakay ng kanilang binasang artikulo. Magbabahagian ng mga opinion                               at kaisipan ukol sa isyu.         
               * Pamantayan ng Pangkatang Diskusyon.
               - Pumili ng tagapamahal na siyang gagabay sa usapan.
               - Bawat miyembro ay magbabahagi ng kani –kanilang ideya
               - Sinuman sa grupo ay maaaring magsalita.

            3. Bawat pangkat ay may 5 minuto para ipaliwanag ang nagawang awtput.

    A. Concluding Activities      

            1. Basahin ang Maikling Kwento (Walang Panginoon)
            2. Pagpoproseso at interpretasyon ng kwento:

               A.1. Sinu-sino ang mga tauhang napapaloob sa kwento?
                   2. Anu-ano anng kanilang mga katangian?
                   3. Paano ipinakita ni Marcos ang kanyang galit kay Don Teong?

               B. Anong pagpapahalagang oral anng ipinahihiwatig ng mga sumusunod na simbolismo:
                   1. batingaw/kampana
                   2. orasan
                   3. kalabaw
                   4. latigo
                   5. gora, sumbrero ni Don Teong

              C. Ibuod ang kwentong binasa.

V. Ebalwasyon
           
            Paano maiuugnay ang kasabihang ”Ang hustisya ay para sa kaguinhawaan ng isa kundi para kapakinabangan ng dalawang panig” (“Justice cannot be for one side alone, but must be for both”)

VI. Takdang-Aralin

            Gumawa ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong pananaw sa hustisya sa ating bansa. Isulat sa isang buong papel.












ito'y video ng aking presentasyon bilang isa sa mga kinakailangan pagtagumapayan sa aming ICT training...
bilang kagamitan ng guro saan man siya magpunta ay maaari niya itong gamitin upang maging kagamitan sa pagtuturo.