Sabado, Nobyembre 19, 2011

Bilang Isang Gurong Nagsasanay

Ang maging isang gurong nagsasanay ay hindi isang madaling gawain sa isang tulad ko na inaasam ang makapagtapos ng kursong pagtuturo. Mahirap man ay kailangan ko itong pagsikapan upang umunlad ang buhay ko at ng aking pamilya.
Sinasabing ang mga mentor daw ay siyang nagpapahirap sa amin, ngunit sila ay nagkakamali dahil sila, bilang aming MENTOR ang nagtuturo sa amin ng aming mga dapat gawin sa buong semestre. sinasanay kami kung paano kumilos at magsalita ang isang tunay na guro.
Sa unang linggo ko bilang isang gurong nagsasanay ako'y nabaguhan sa mga nangyayari sa pang-araw-araw. Iisipin ko ang Banghay Aralin ko, kung saan nakalagay ang daloy ng aking pagtuturo. Dapat akma din ang aking mga gawain sa lebel o antas ng kaisipan ng aking magiging mag-aaral sa araw na iyon.
Maraming bese na akong nagkamali sa paggawa ng aking Banghay Aralin ngunit nandiyan ang aming MENTOR  na lagi kaming binibigyan ideya sa mga dapat gawin. Masasabing istrikta ang MENTOR, pero isipin mo kung wala sila sa tabi nating para gabayan tayo anong mangyayari sa ating pagtuturo. Gaganda pa ba ito tulad ng gusto natin? May magwawasto ba sa mga mali natin? Sino ang magbibigay ideya sa nagugulong mong isipan?
Bilang Isang Gurong Nagsasanay ipinagpapasalamat ko ang aking MENTOR ay mabait at magaling kahit sabihin nilang mahigpit siya sa aming kilos. Sa lahat ng MENTOR o GURONG TAGAPAGSANAY
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Sabado, Oktubre 1, 2011

Ang Aking Plano

Kung papalarin sa hinaharap at magkakaroon  ako ng isang paaralan ,ito ang aking planong gawin. May mga larawan na nakuha ko sa internet dahil nagustuhan ko ang kanilang mga larawan o grapiks. Sana ay makagawa ako nito.



Francis Bacon Learning Center
LOGO
            The Learning Center is aiming to have a well-developed individuals with high moral values, skill and religiousity. The logo have four meaning by their individual description.
             Square = these shape is a resemblance of equality. The center is reflecting the role of equality in learning and also in teaching the students with the core values. To promote also the manner of individual differences of students.
             Books = these symbolizes the intellectuality of individual. We encourage students to read books for them to learn more aside from what they are learning on the four sides of the classroom.
             Cross = the symbol of Christianity and love of GOD the Almighty Father. Theses symbolizes the Respect of students to the people on their surroundings/ community. It implies with Moral Values and  Discipline.
             Balls = the center is having the mission of developing students individual skills and identity. Each student excelled in different fields it could academic or through sports. We are respecting those skills and we help them to develop it and can be enhance as the time passes.  
            This institution will help every individuals to have their own choices of skills to be develop.

@ito naman ang aking mga polisiya sa paaralan.
Francis Bacon Learning Center
School Retention Policy

1.   Any student failing 3 or more core classes for an academic year is automatically retained at that level.
2.   Any student failing 2 core subjects in a given year (entire year averages to an "E") may be:
          A. Retained at parental request
          B. put on academic probation (probation to last through school years)
Meeting between parent, teachers, principal, and academic counselor will result, options a & b addressed, and all in attendance sign a form, indicating parental choice, and understanding of what "probation" means (see #2 above). 
3.   Any probationary student that fails the same 2 core subjects in a subsequent year will automatically be retained (parent will already have signed paper in step #2 above that indicates understanding of this action).  Meeting between parent and staff of academic year to put retention of student in place for following year.
4.   Any probationary student that repeatedly fails 1 core subject and a 2nd new subject, or repeatedly fails different subjects in subsequent years will be retained unless the student passes an approved summer school program at the expense of the parents in the subject that was failed twice.  This alternative will apply to any classes failed a second time.
5.   Any new student to the district that has 2 or more E's from previous school year (at another district) will automatically result in action #1 and/or #2 above, with a meeting of staff and parent occurring soon after enrollment to our district.
6.   Any probationary student that moves to another district and then back to Francis Bacon Learning Center will keep probationary status, unless #1 or #2 above occurred in another district, which would result in automatic retention upon re-entering the Learning Center.
7.   The Principal may implement his authority to make the final decision based on the best interest of the student.


@ang bisyon, misyon at tunguhin at hangarin ng aking paaralan
FRANCIS BACON LEARNING CENTER
VISSION     
Value Discipline and Skill Individuality for quality education
VISSION STATEMENT
Francis Bacon Learning Center is inspired by the philosophy of Francis Bacon and with the theory of Multiple Intelligences by Howard Gardner. It promote education physically, morally and also intellectual training on students’ individual skills.
MISSION
To develop moral-discipline and multi-tasking intellectual students in committing quality education and develop professionals that provide leadership for the nation.
GOAL
Promote the learning lifestyle and skills of young people and adults through activity with the use of individual capacity.
AIMS
To produce a high moral disciplined and skillful individual that will help build a better community on our country.



@ang plano  sa istruktura (kuha sa internet pa rin ito, pero ito ang gusto kong plano :-) 
@ito naman ang ayos ng mga gusali ( sa internet pa rin )



@ang ayos ng classroom


yan ang ilan sa mga plano ko sa itatayo ko (sana) na paaralan

Martes, Setyembre 27, 2011

Ito ang aking nagawang flyer bilang pagsuporta o pagpromote sa kursong BSEd na nakatuon sa FILIPINO... Sana'y inyong tangkilikin ang wikang Filipino..

Martes, Setyembre 20, 2011

Modyul sa Panitikan

I. Pamagat
Si Juan Osong
( Kwentong Bayan sa Rehiyon 5)

II. Panimulang Modyul
          Ang modyul na ito ay nagsisilbing gabay sa iyong pagkatuto. Naglalaman ito ng mga gawain at mga katanungan na hahasa sa iyong kaisipan at nang maibahagi mo rin ang iyong mga karanasan kaugnay sa akdang nakalakip dito sa iyong modyul. Magagamit  mo rin ang iyong natutunan sa apat na bisa ng panitikan. Ito ay tutulong sa iyo upang mas lumawak ang iyong kaisipan at kaalaman sa panitikan. Makakakuha ka rin ng aral mula sa kwentong iyong babasahin na nasa modyul na ito. Kailangan mo itong pag-aralan at pahalgahan upang mas maging pamilyar ka sa panitikan at ang aral na mapupulot mo sa kwento ay magsilbing gabay sa iyo sa hinaharap.

III. Mga Instruksyon na Gagamitin
          1. Basahing mabuti ang kwentong bayan ng rehiyon 5 na si Juan Osong.
          2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
          3. Basahing maigi ang panuto sa mga gawain.

IV. Mga Layunin
          Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito inaasahang:
          a.Nabibigyan kahulugan ang matatalinghagang salita;
          b. Nailalahad ang apat na bisang pampanitikan at
          c. Naibabahagi ang sariling karanasan halaw sa akda.
V. Paunang Pagsubok
A. Panuto: Buuin ang mga jumbled letters at isulat sa papel. Ito ay mga lalawigan ng rehiyon 5.
                    1. YALBA                                              4.OOOGRNSS
                    2. IEAASNRMC URS                             5. EAATBSM
                    3. CMNRSAEAI EORTN                        6. SNDNTCEAUAA
B. Panuto: Punan ng mga tamang titik ang patlang upang mabuo ang kahulugan           ng mga salita.
                    1. Ipabatid = I_a_l_m
          2. Kwartel = H_m_i_a_
                    3. Mainam = _a_u_i
                    4. Katakam-takam = m_s_r_p
                    5. Kumaripas = _a_i_i_

VI. Sagot sa Paunang Pagsubok         
A.       1. ALBAY                          4. SORSOGON
          2. CAMARINES SUR         5. MASBATE
          3. CAMARINES NORTE    6. CATANDUANES

B.       1.Ipaalam                                   2. Himpilan
          3. Mabuti                                    4. Masarap
          5. Mabilis
 VII. Mga Gawain sa Pagkatuto
          Basahin ang kwento ni Juan Osong at sagutan ang mga gawain sa ibaba.
KWENTONG BAYAN
Si Juan Osong
    May utos ang alkalde sa mensahero ng bayan kung saan nakatira si Juan na ipabatid sa mga mamamayan ang bagong ordinansa na nagbabawal na maglakad sa kalsada pagsapit ng alas diyes ng gabi. Dahil nasa lansangan pa si Juan Osong ng alas diyes, pinasiya niyang gumapang. Nakita siya ng pulis at tinanong, “ Bakit narito ka pa? Hindi mo ba alam na bawal maglakad sa kalye pagkatapos ng alas diyes ng gabi?”
    Tumugon si Juan, “Opo, alam ko, pero nakikita naman ninyo. Hindi po ako naglalakad. Ako po ay gumagapang.”
    Isang araw, dumaan sa kuwartel ng military si Juan. Kapag dumaraan ang isang tao sa kuwartel, inaasahang ito’y mag-aalis ng sumbrero at sumaludo sa bandila. Nang tawagin ng guardia si Juan at tanungin kung bakit hindi siya nag-alis ng sumbrero,  sinabi ni Juan, “ Ginoo, kung mag-aalis po ako ng sombrero malalantad po ang ulo ko sa init.”
    “ A, iyan ang dahilan mo? Kung gayon, huwag na huwag ka nang aapak sa lugar na ito kahit kailan.”
    E, dahil kinailangan dumaan ni Juan sa munisipyo araw-araw para pumuntang palengke, ipasiya niyang humukay ng lupa sa kanyang bukid at inilagay sa kanyang kariton. Ipinahila sa kalabaw ang kariton habang nagdaraan sa munisipyo.
    Nakita siyang muli ng sundalong nagbawal sa kanyang dumaan sa lugar na iyon noong isang araw at sinabi nito “ Hindi ba sinabi ko na sa’yo na huwag na huwag ka nang aapak sa lupang ito, kahit kalian?”
    Sumagot si Juan, “Opo, pero nakaapak naman po ako sa sarili kong lupa,” ang sabi ni Juan.
    May nakakatandang kapatid si Juan na nagngangalang Pedro. Isang araw, nang paalis sila sa kanilang bahay; sinabi ni Pedro na ikandado ni Juan ang pinto. Pero sa halip nito, ang ginawa ni Juan ay dinala ang pinto. Nang tanungin ni Pedro kung bakit dinala ni Juan ang pinto, sinabi nitong mas mainam na huwag na itong iwan para wala talagang makapasok dito.
    Nagdala rin si Juan ng palakol, dahil magsisibak silang magkapatid ng kahoy sa gubat. Nang nasa gubat na sila, nakahanap sila ng malilim na puno at ipinasiya nilang akyatin ito upang doon makapagpahinga. Habang nasa itaas ng puno, may grupo ng magnanakaw na dumaan sa ilalim at nagsimulang buksan ang kanilang sako para pahati-hatian ang kanilang ninakaw. Muntik ng mag-ingay si Juan pero pinigilan siya ni Pedro.
    Pagkatapos, nagsimulang magluto ang mga magnanakaw. Katakam-takam ang amoy ng kanilang niluluto at muli, gusto nang bumaba ni Juan mula sa puno. Ibinagsak ni Juan ang pinto at nagulat ang mga magnanakaw. Pinalakas ang boses at sinabing, “ Ako’y malaking tao, isang higante, bakit kayo nangahas na istorbohin ako?”
    “Kung sadyang ikaw nga ay higante,” hamon ng mga magnanakaw,” ihulog mo nga ang isa sa iyong mga ngipin.”
    At inihulog ni Juan ang palakol, kaya kumaripas ng takbo ang mga magnanakaw. Naiwan ng mga ito ang kanilang nilulutong pagkain. Noon na lamang bumaba sina Juan at Pedro at kinain ang pagkain ng mga magnanakaw. Iniuwi rin nila ang sako ng mga gamit na naiwan ng mga ito.

VIII. Mga Tanong na Sasagutin?
          • Paano mo mailalarawan ang tauhan? Bakit?
          • Kung ikaw si Juan paano mo babaguhin ang pananaw ng iba sa iyo?
          • Anong bisang pampanitikan ang nangingibabaw sa kwento?
                    •Bisa sa Isip
                    • Bisa sa Damdamin
                    •Bisa sa Kaasalan
                    • Bisa sa Lipunan

IX. Panghuling Pagsubok
          A. Gumawa ng buod ng kwento
          B. Gumawa ng Positibo-Negatibong Tsart sa katangian ni Juan Osong

X. Sagot sa Panghuling Pagsubok
A. Ang Buod
          Nag-utos ang alkalde na bawal ng maglakad ang mga tao ng alas diyes ng gabi. Minsan ay ginabi si Juan at gumapang siya, sinita siya ng pulis at sinabing bawal maglakad sa gabi. Sinagot niya ito ng “ Hindi ako naglalakad, Gumagapang po ako”
          Nang minsan naman dumaan si Juan sa kwartel at kapag dumaan ka doon kailangan mong hubarin ang iyong sumbrero at magbigay galang sa bandila. Ngunit hindi hinubad ni Juan ang kanyang sumbrero dahilan niya ay “ Ginoo, kung mag-aalis po ako ng sumbrero, malalantad po ang ulo ko sa init”. Kaya sinabihan siya ng guwardiya na huwag ng tatapak sa sa lugar na iyon kahit na kalian. Eh! Kailangan dumaan ni Juan doon araw-araw, kaya naghukay siya ng lupa sa kaniyang bukid at inilagay sa kariton. Nakita siya ng guwardiya kaya sinita na naman siya at tinanong kung bakit siya dumaan doon sagot naman niya na hindi siya nakaapak sa lupa kundi sa sarili niyang lupa.
          May kuya si Juan na si Pedro, inutusan siya nito na ikandado ang pinto, pero tinanggal ni Juan ang pinto at dinala iyon dahil mas mainam iyon para wala talagang makakapasok. Nagdala din sila ng palakol upang magsibak ng kahoy sa gubat at ng magpahinga sila sa itaas ng puno ay may dumaan na mga magnanakaw na naghahatian sa mga nakuha.
          Nang magsimulang magluto ang mga magnanakaw ay natatakam na si Juan at nais ng pumanaog sa puno. Ngunit naisip ni Juan na ibagsak ang pinto kaya nagulat ang mga kawatan at agad siya nagsalita sa malaking boses na “ Ako’y malaking tao, isang higante, bakit kayo nangangahas na istorbohin ako?”
          Ngunit hinamon si Juan na kung tunay siyang higante ay ihuilog ang isang ngipin niya. At hinulog ni Juan ang palakol kaya tumakbo ang mga kawatan. Pumanaog silang magkapatid at kinain ang niluluto ng mga umalis.

                        POSITIBO                                               NEGATIBO        
                      •mapamaraan                                               •pilosopo sa
                      • matalino                                                     •   maling paraan
                                                                                            • hindi marunong gumalang
                                                                                            • batugan

XI. Pagpapahalaga
          “Huwag maging pilosopo at tamad, kung maging pilosopo gawin sa tamang pagkakataon at paraan”

Lunes, Setyembre 19, 2011

IMPLUWENSYA NG ALTERNATIBONG PAGTATAYA SA PAGKATUTO NG MGA ESTUDYANTE SA FILIPINO 2

                          ABSTRACT


PAMAGAT                    : IMLUWENSYA NG ALTERNATIBONG  
                                      PAGTATAYA SA PAGKATUTO NG  
                                                    FILIPINO 2

MANANALIKSIK            :  Ardiza, Ailene L.
                                     Bontilao, Venus A.
                                      Mata, Anna Mie T.
                                     Pantuan, Marie Ybonne B.
                                     Sombilon, Russel Jane C.
                
DEGREE                      : Bachelor of Secondary Education                                        Major in Filipino

SCHOOL/ADDRESS       : Cebu Normal University
                                     Osmeña Blvd. Cebu City

ADVISER                     : ROSELLE J. RANARIO, DPA

DATE                           : March 11, 2011

YEAR COMPLETED 2011                       NO. OF PAGES ___
========================================

             Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na tukuyin ang impluwensya ng alternatibong patataya sa pakatuto ng mga estudyante sa Filipino 2 upang mapahalagahan ang gamit ng alternatibong pagtataya sa kaalamang natutuhan ng mga estudyante. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pag-aaral malalaman ang antas ng pagpapahalaga ng mga estudyante tungo sa asignaturang Filipino. Sa layunin ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga ipotesis na una, walang kaugnayan ang profile at ang pananaw ng mga estudyante sa alternatibong pagtataya at pangalawa, walang kaugnayan ang ekspusyur sa impluwensya sa pananaw ng estudyante sa alternatibong pagtataya.
             Tinitiyak sa pag- aaral ang kasagutan sa mga sumusunod: ang profile ng mga mag- aaral batay sa mga sumusunod na salik: gulang, kasarian,

Kabanata I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
INTRODUKSYON


Rasyunale

         Sa makabagong panahon, ang guro at mga estudyante ay nahaharap sa mukha ng pagbabago, sa pagtuturo at pagkatuto. Hindi maipagkakait na malaki ang naging epekto ng impluwensya ng midya at makabagong teknolohiya sa komunidad. Maraming mga impormasyon ang mabilis kumalat at ang antas ng pagkatuto ng mga estudyante at patuloy ding tumataas. Ang malaking palaisipan dito ay kung paano epektibong masusukat ng guro ang kaalaman at ang natutunan ng mga estudyante sa loob ng klasrum.
         Ayon kay Bridgett Michelle Lawrence (2010), “Classroom assessment is one of the most important tools teachers can use to understand the needs of the students.” Sa pahayag na ito, sinasabing ang pagtataya ay mahalagang kasangkapan upang masukat ng guro ang kaalamang natamo ng mga estudyante. Matutuklasan ng guro ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat indibidwal. Kung gayon, mabibigyang gabay siya upang mas mapaunlad ang paraan ng pagtuturo at mabigyang direksyon ang mga estudyante tungo sa pagkatuto.

Ang nakaugaliang tradisyunal na pagtataya ay ang kadalasang ginagamit ng mga guro sa pagsukat sa natamong kaalaman ng estudyante. Binigyang pokus nito ang pangkabuuang aspeto ng isang indibidwal ngunit hindi nalilinang sa ganitong paraan ang kaalaman at kasanayan. Ayon pa kay Dianne Todd (2009), “Traditionally, schools educate students by downloading information from the teacher’s mouth to the students’ brains.”
Ayon naman ni Petro Feketa (2009), “Knowledge must be expressed to be assessed.” Maraming mga estudyante ang nahihirapan at hindi gaanong umaangat sa tradisyunal na pagtataya, ang tinatawag na pasulat na pagsusulit. Samantalang, kung sa mga interaktibong mga gawain, nagiging aktibo sila at masasabing sila ay umaangat sa antas ng kasanayan. Nagpapatunay lamang ito sa pilosopiyang, “Behind active learning, comes from the idea that every students learns differently.” Kung kaya, nagkaroon pa ng isa pang uri ng pagtataya, ang alternatibong paraan, na sumusukat sa kakayahan at kasanayan ng mga estudyante mula sa natamong kaalaman sa pagtuturo.
Sa paglitaw ng bagong paraan ng pagtataya, ang ilang mga guro ay gumagamit ng patatayang alternatibo ngunit mayroong mga guro naman na binibigyang pokus ang tradisyunal na paraan. Sinasabing ang tradisyunal na pagtataya ay epektibo upang masukat ang kaalaman ng mga estudyante. Maraming naniniwala na ang alternatibong paraan,na sumusukat sa kakayahan ng mga estudyante ay magandang paraan at  epektibo ba sa patataya sa kaalaman ng mga estudyante. Naging tampulan ngayon, kung ano ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa natutunan ng mga estudyante sa Filipino.
Bilang estudyante at magiging guro sa hinaharap sa asignaturang Filipino, layunin ng mga mananaliksik na malaman ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa natutunan sa loob ng klasrum. Nais suriin ang pagtatayang alternatibo kung ito ba ay tanggap na ng mga estudyante. Upang malaman kung alin sa dalawa ang mas epektibong gagamitin sa pagtataya sa pagkatuto ng Filipino, ng sa gayon ay mapabuti ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mga estudyante at malinang ang kakayahang natamo ng bawat indibidwal.

Sanligang Teoretikal
Sa pag-aaral ng impluwensya ng alternatibong pagtataya sa mga natutunan ng mga estudyante sa Filipino sa Cebu Normal University, ito’y kinapapalooban ng mga sumusunod na teorya.
Ang teoryang Behaviorism na nagsasaad na ang bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay nito. Binibigyang-diin ni Skinner, qtd (Badayos, 2008) isang pangunahing behaviorist, na kailangang “ alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.
Sa pag-uuganay ng teoryang behaviorism sa pagtataya, binibigyang-pokus ang kasanayang pakikinig at pagsasalita. Hinahasa nito ang kasanayan sa pamamagitan ng pag-uulit at mga drill. Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro na ginagamitan ng target na wika.
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang pag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.
Ayon kay Howard Gardner (Mayos 2008) sa kanyang teoryang multiple intelligences, ang bawat estudyante ay may iba’t ibang lebel ng katalinuhan. Ang mga ito ay ang linggwistik, lohikal-mathematikal, biswal-spatial, musical, bodily-kinesthetik, intrapersonal, interpersonal, naturalist at eksistensyal. Sinasabing mahalaga sa isang mabuting pagtuturo at pagkatuto ang pagtuklas at pag-uunawa sa mga katalinuhan o istilo ng pagtuturo ng mga estudyante. Ipinahayag ni Gardner na ang bawat isa sa atin ay nagtataglay ng siyam na uri ng katalinuhan ngunit sa iba’t ibang sukat o kakayahan.
         Ang teoryang Multiple Intelligences ay makikita at  magagamit sa tuwing nagbibigay ang guro ng alternatibong pagtataya. Sa bahaging ito,hindi lamang puro kaalaman at masteri ang nasusukat, bagkus, nalilinang ang iba’t ibang  kasanayan at kakayahan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng alternatibong pagtataya gamit ang Multiple Intelligences, mas lalong naipapakita ng mga estudyante ang kanilang kaalaman gamit ang kanilang katalinuhan at kakayahan.
         Samakatuwid, pawang ang tradisyunal na pagtataya at ang alternatibong paraan ay may kaakibat na batayan ng mga teorya. Mayroon mang iba’t ibang paniniwala, pawang ang layunin nito ay maintindihan at mauwanaan, masukat ang kakayahan ng bawat estudyante sa natamong kabatiran.

Pagpapahayag ng Suliranin
         Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito ay upang alamin  ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa natutunan ng mga estudyante sa Filipino sa Cebu Normal University.
         Ang mga sumusunod na katanungan ay hinihinuhang masasagot ng mga mananaliksik:
1.   Ano ang profile ng mga estudyante: batay sa mga sumusunod na salik
                1.1 edad
                1.2 kasarian
                1.3 kolehiyong kinabibilangan
         2. Anu-ano ang mga pagtataya na ginamit ng
             instructor/propesor sa Filipino.
                 a. awtentiko
                 b. product o performance
                 c. ano ang kaugnayan sa kadalasang eksposyur sa
                    alternatibong pagtataya sa pagpapahalaga ng mga
                    estudyante sa Filipino.
    3. May kaugnayan ba ang kadalasan ng ekspusyur sa 
       alternatibong pagtataya sa natutunan ng estudyante sa 
       Filipino?
    4. sa pagkatuto ng mga estudyante sa Filipino 2?
Ang mga Ipotesis
Ang mga mananaliksik ay nakabuo ng ipotesis na ang alternatibong pagtataya ay:

 HOWalang kaugnayan ang profile at ang pananaw ng mga
        estudyante sa alternatibong pagtataya.
        HO2  Walang kaugnayan ang ekspusyur sa impluwensya  ng 
             pananaw ng estudyante sa alternatibong pagtataya.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                    
Kahalagahan ng pag-aaral
          Mga Guro – Nakasalalay sa kamay ng guro ang pagpili ng uri ng pagtatayang kanyang gagamitin sa pagsukat ng natutunan ng mga estudyante. Sila’y magkakaroon ng kaalaman sa mga pakinabang na dulot ng paggamit ng mga uri ng pagtataya, ang alternatibo bilang pantulong sa pagsukat ng natutunan. Natutunan nilang gumamit ng naaangkop na uri ng pagtatayang alternatibo at ang pagtataya sa natutunan ay maging madali, kawili-wili at higit sa lahat ay maging makabuluhan at makahulugan sa mga mag-aaral.
         Mga Estudyante – Bilang sentro ng gawaing pagtuturo , labis silang makikinabang sapagkat malalaman nila na malaki ang maitutulong ng alternatibong pagtataya sa kanilang natutunan. Sila’y mahihikaya’t na tanggapin ang iba’t-ibang uri ng pagtataya
lalong lalo na ang alternatibo upang mapalawak at mapaunlad pa ang kanilang kaalaman at kasanayan.
         Mga Tagapamahala – Ito’y mahalaga sa mga namamahala tungo sa paggamit ng mabisang pagtataya sa ikauunlad ng mga estudyante. Ito ay makatutulong upang makatiyak sa mga pagtatayang ginamit. Mayroon silang pagpapahalaga sa mga uri ng pagtatayang alternatibo sa mga gawaing sumusukat upang maging daan para sa paglaanan ng panahon
Mga Mananaliksik – Sila’y makapaghahanda ng mga pagtatayang gagamitin bilang guro sa hinaharap. Mithiin, malaman at maikintal sa isipan ang mga gamit ng alternatibong pagtataya na may kabuluhan, nakakatulong sa pagpapalawak ng isipan, ganoon din ang pag-unlad ng mga kasanayan ng estudyante.

kABANATA ii

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito’y nakatuon sa kung ano ang mabisang pagtataya ang gagamitin sa pagsukat sa kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa kursong Filipino.
         Ayon kay Oliva (1993),kailangang isagawa ang mapanuring pag-aaral na tatalakay sa mga dahilan ng mababang antas ng kaanyuan ng natutuhang pang-akademiko ng mga estudyante upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante sa pang-akademiko.
         Ayon naman kay Badayos (2008) ang pagtataya o pagsukat sa natutuhan ay isang walang tigil na proseso at ito’y maaaring maganap anumang oras. Ibig sabihin ang isang pagtataya ay maituturing ng bahagi ng buhay hindi lang sa mga estudyante bagkus pati sa mga ordinaryong tao. Ito’y maaaring pormal o di-pormal.
         Mula sa aklat ni Badayos, Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto (2008) sinasabing ang pagtataya sa tradisyunal na paraan ay isa lamang paraan upang matiyak kung mayroong pagkatutong nagaganap. Nagagawa rin ng pagsusulit na masukat ang masteri ng mga estudyante sa mga lawak ng wika na nalilinang sa klase. Nagpapatunay na hindi lang tradisyunal na pagtataya ang naging batayan ng guro sa pagsukat ng pagkatuto ng bawat estudyante.
         Nangangahulugang kinakailangan pang tukuyin ng guro ang iba pang aspeto sa pagsusuri ng kakayahan at kasanayan. Kung tatanawin ito sa punto de bista ng teorya, maganda sana ngunit hindi tayo dapat na laging umasa sa resulta ng mga pagsusulit bilang pagtiyak kung anong paksa ang dapat ituro.
         “Changes in forms of assessments are unlikely to enhance equity unless we change the way in which assessments are used as well, from sorting mechanism to diagnostic support,” pahayag mula kay Linda Darling- Hammond (1996). Dulot ng pagbabago sa pagtataya, umangat ang antas ng paraan kung paano masusukat ang natamong kabatiran ng estudyante. Ang pagtatayang ito ay tinatawag na Alternatibong pagtataya.
         Mula sa artikulo ng pananaliksik nina Sara Vali at Parnaz (2010). “A Review of Studies on Alternative Assessments in EFL language.” Sinasabi nila na ang alternatibong pagtataya ay ginagamitan ng iba’t ibang instrumento na magagamit sa anumang gawain.
         Ilan sa mga instrumentong tinutukoy ay ang checklist, journal, iba’t ibang babasahin at iba pa. Maliban sa iba’t ibang instrumento sa pagtataya binibigyang pokus din ng alternatibong pagtataya ang pagbibigay ng task.
         Sinusuportahan naman ito ni Michall Breen (1987) cited by Badayos (2008), ang task na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task. Kung gayon ang bawat task sa pagtataya ay  lalong mapapalawak ang kaalaman at pagkatuto ng lahat ng kasangkot sa silid aralan.

Kabanata III
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik
         Ang mga mananaliksik ay gumamit ng descriptive survey na paraan sa pag-aaral ng kung ano ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa pagkatuto ng mga estudyante sa Filipino. Sa pag-aaral na ito lumalabas ang ekspusyur ng mga estudyante. Sa kung gaano naiimpluwensyahan ang kanilang pagkatuto. Sa ginawang ito ng mga mananaliksik kinakailangan lumikom ng mga datos sa loob ng paaralan sa Cebu Normal University.

Kaligiran o Lokal Pananaliksik
         Ang ginawang pananaliksik ay ginanap sa Cebu Normal University (CNU) akademikong taon 2010-2011, pangalawang semester. Isa sa pinakatanyag na unibersidad sa bansa na kilala sa paghubog ng mga magagaling na guro sa kasalukuyan. At isang SUC ( State Universities and Colleges) isang lupon ng mga paaralan o unibersidad na pinatatakbo ng pamahalaan at ang mga mag-aaral dito ay mga tinaguriang “Iskolar ng Bayan
Tagapagtugon sa Pananaliksik
         Ang mga tagatugon ay ang mga estudyante sa ikalawang taon ng kolehiyo na may kurso sa Filipino. Sa kadahilanang ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa nasabing mga estudyante. Sila ang napiling maging tagatugon sapagkat sila ang may mahalagang papel sa pagtugon sa nasabing pananaliksik.

Kasangkapan ng Pananaliksik
         Upang magkaroon ng kinakailangang sangkap, ang mga mananaliksik ay gumamit ng dalawa (2) instrumento. Ang mga ito ay ang sumusunod:
         Una, tseklist upang masagot ang una at ikalawang suliranin, ang talahanayan sa anyong tseklist na makikita sa Apendiks C ang ginamit. Ang suliranin 1 ay patungkol sa profile ng mga estudyante. Ang pangalawa naman ay tungkol sa kadalasan ng ekspusyur ng mga estudyante sa uri ng alternatibong pagtataya. Sa unang bahagi ay makikita ang edad, kasarian, at ang kurso at taon.
         Sa ginamit na tseklist, makikita dito ang kadalasang uri ng pagtatayang alternatibo na ginagamit sa pagsukat ng natutunan ng mga estudyante, ang pagtatayang awtentiko, product o performance at proseso. Ang bigat ng karampatang puntos sa kasagutan ay ang mga sumusunod:
5- Palagi                               (P)
                                  4- Paminsan-minsan           (PMM)
                                  3- Minsan                             (M)
                                  2- Bihira                               (B)
1-  Hindi Kailanman              (HK)
Sa ikatlong suliranin, ginagamitan ito ng instrumentong
Likert Scale upang matukoy ang pananaw ng mga estudyante  ukol sa alternatibong pagtataya sa pagpapalawak ng kanilang natututunan sa Filipino. Ang bigat ng karampatang puntos sa mga kasagutan ay ang mga sumusunod:
                                  4- Sang-ayon na sang-ayon     (SS)
3-  Sang-ayon                         ( S )
2-  Di-gaanong sang-ayon       ( DGS )
1-  Di sumasang-ayon              ( DS )

Paglikom ng mga Datos
         Sa bahaging ito, ang mga mananaliksik ay maglalahad sa kung paano kinalap o kinuha ang mga datos para sa pag-aara na ginawa. Ang mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kolehiyo sa Cebu Normal University ang siyang mga respondents sa ginawang pag-aaral. May liham na ibinigay ang mga mananaliksik sa estudyante. Dahil sa likas na kakayahan ng mga mananaliksik sa pakikipagkomunikasyon sa mga respondents, madali lamang natugunan ang paglikom ng mga datos mula sa kanila na magagamit sa pagtugon ng pananaliksik.

KATUTURAN NG MGA TALAKAY


     Upang lubusang maunawaan ang paglalahad at patatalakay sa pag-aaral na ito, binibigyang katuturan ang mga sumusunod na terminolohiya.

ALTERNATIBONG PAGTATAYA- Uri ng pagtataya na     kasanayan ng mga mag-aaral ang naging batayan sa pagmamarka, kadalasang ginagamitan ng rubriks.Tulad ng pagtula, pag-awit, pagsasadula at iba pa.
ESTUDYANTE – Ang mga tagatugon na nasa ikalawang taon ng kolehiyo sa Cebu Normal University na nakakuha ng asignaturang Filipino.
IMPLUWENSYA – Tumutukoy sa pagtanggap ng mga estudyante o pananaw tungkol sa alternatibong pagtataya.

PAGKATUTO – Ang kaalaman na naikintal sa isipan ng bawat estudyante.
AWTENTIKO – Ito ay ang mga gawain na malapit sa tunay na karanasan.
PROSESO – Ang pagkakasunud-sunod ng mga dapat gawin o mga istratehiya
PRODUKTO – Ang kinalabasang gawain gamit ang proseso sa
pagsasakatuparan ng gawain.
TSEKLIST – Ito ay isang komprehensibong talaan ng mga mahahalagang aksyon o hakbang na tinutukoy sa karaniwang hanay.
LIKERT SCALE – Ito isang psychometric scale na karaniwang
ginagamit sa pagtatanong at ang pinakamalawak na ginagamit sa survey ng pananaliksik. Ito ay ginagamit para tukuyin at sukatin ang antas ng kasunduan sa isang pahayag ng partikular na tagapagtugon.