Biyernes, Setyembre 16, 2011

Ang Mahiwagang Tagpuan


Isa sa mga binuo din namin sa aming major. isang kwento kung saan may 2 elemento... ang kapaligiran at ang tao.....lahat ng gawa ko tungkol sa LOVE kasi mas madaling gawin basta nararamdaman mo ang ganun. Madali kang makakaisip kung ano ang isusulat mo basta may INSPIRASYON. 

alalahanin din natin hindi kailangan ng isang tao ang karelasyon dahil lang sa gusto nila, isipin mong mabuti kong bakit ka papasok sa ganun,,,,  

Ito ay nagpapakita na ang mga GURO ay malikhain at may malawak na imahinasyon...

♥♥
Hoy pangit!”
            Iyan ang palaging naririnig ni Maki sa mga taong kanyang nakakasalubong. Pero imbes na magalit ay nginingitian na lang niya ang mga ito at kinakawayan. Ayaw niyang ipakita ang sakit na nararamdaman. Nauunawan niya naman kung bakit ganun na lamang ang tawag sa kanya.
            “Okay lang yan Maki, walang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan” paalala niya sa kanyang sarili habang naglalakad sa mahabang daan patungo sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Pansin din niya ang pagtitnginan ng mga tao sa kanya. Sa mukha ba namaniyang puno ng tigyawat,kulubot at magaspang.
            “Nakakahiya naman para akong artista na pinagtitinginan ng mga tao. Di bale na nga lang basta wala akong pakialam dadaan ako sa harap o likod nila. Hindi ko naman gusto na tingnan nila ako” pagmamayabang ni Maki sa sarili.

Habang papasok si Revo sa unibersidad ay nakita niya na naman ang Halimaw habang sakay sa kanyang puti na Ferrari Sports Car.
            “Ay! Ang halimaw akala mo kung sinong maglakad” saad ni Revo sa sarili. Siya ang pinakasikat sa campus dahil sa gwapo, mayaman at higit sa lahat mayabang. Karamihan din sa kanyang mga barkada ay anak ng mga kilalang tao sa lipunan.
            “Hoy halimaw,” sabay busina at dungaw sa tinatawag. Lagi niyang nakikita ang babaeng ito sa campus. Magkaklase rin sila sa English 03. Maki Reyes ang pangalan nito sa napaga-alaman niya. Matalino ito at masiyahin. Gustong-gusto niya itong asarin sa pamamagitan ng pagtawag niya dito ng Halimaw. Makinis ang kutis nito at hubog Coca-Cola ang katawan pwera lang sa isa, ang pangit nito tingnan para sa iba. Pero iba ang pagkakatingin niya sa kapangitan nito. Pangit nga ang anyo nito pero maganda naman ang kalooban.
            “Hoy halimaw lumingon ka nga!” sabay baba ni Revo sa
sasakyan at nilapitan si Maki.
            “Ay Butiking nahulog sa sapa” gulat na saad ni Maki ng
hawakan niya ang siko nito.
            “Anong kailangan mo sa akin?Kilala ba kita? Ba’t mo ba ako tinatawag?”
            “Hoy! Bakit alam mo na tinatawag kita?” nakangiting tanong ni Revo.
            “Eh sino ba ang kaharap at kausap mo ngayon?”
            “So, totoo nga na halimaw ka?”
            “Gago ka! Kahit hindi yan totoo ay ipagtatanggol ko ang aking sarili sa tulad mong mapanghusga. Isa pa ay wala kang karapatang tawagin akong halimaw. Una, hindi kita kilala. Pangalawa, sino ka ba?. Pangatlo, bakit mo ba ako iniinis?” matapang na ratsada sa kanya ni Maki.
            “Ay! Hindi mo ako kilala? Ako yata ang ang pinakasikat dito sa campus tapos hindi mo ako kilala! Isa, pa ay kaklase mo ako sa English 03! Ang tanda mo na siguro kaya hindi mo ako kilala?-ha-ha-ha” palatak niyang tawa.
            “Pakialam ko ba? Kung sikat ka, eh! bakit hindi kilala? Siyanga pala hindi mo ako sinasagot! Bakit mo ba ako tinatawag, at alam ko rin na pangit ako, pero huwag mo akong tatawagin na halimaw”.
            “Cool ka lang. Ang init naman ng ulo mo”
            “Sinong hindi mag-iinit ang ulo kung sa ganito ka aga ay binibuweset ka ng taong hambog?” sabay talikod nito sa kanya.
            “Hay! Kung alam mo lang sana!” panaghoy niya habang pabalik sa kanyang sasakyan.


Malayo na si Maki pero nakangiti siya sa nangyari sa kanya. Hindi naman niya akalain na siya ang lalapitan ni Revo. Kahit nasasaktan siya sa sinabi nito ay masaya pa rin siya dahil pinansin siya ng lalaking lihim niyang iniibig sa loob ng dalawang taon.
            Nakangiti lamang siya habang inaalala ang nangyari sa kanya at kay Revo kanina. Nandon na siya sa punong kanyang tinatawag na “langit”. Sa ilalim ng punong nasa tagong lugar sa campus. Dito niya inuubos ang oras niya, sa pagsulat ng liham paara sa hindi pa nakikilala na kaibigan.
            Dalawang taon na ang nakakaraan ay hinukay niya ang parte ng lupa na kinatitirikan ng puno. Naintriga kasi
siya dahil nakaumbok ito at tinabunan ng patay na dahon na pinatungan ng malaking bato. At sa paghuhukay ay nakakita siya ng isang kahon na may lamang liham mula sa isang lalaki na hindi makapagsabi ng nararamdam sa kanyang iniirog.

Puno
            Pasensiya na kung naisturbo ko ang iyong pananahimik at hinukay ko pa ang lupa dito. Gusto ko lang sana na may mapagsabihan ng aking malaking problema. May babae na talagang iniibig ko pero natatakot akong sabihin sa kanya dahil baka isipin niyang pinaglalaruan ko lang siya at gagamitin. Pangit siya at parang kinatatakutan ng lahat dahil sa kanyang hitsura.Palagi ko siyang inaasar pag nakikita ko siya kahit saan.
            Kapag nakita o nasilayan ko ang kanyang mukha ay nasasabi ko sa sarili ko na “ kahit pangit may karapatang mag-aral at hindi dapat ikahiya ang kung ano mang meron sa’yo pati na ang pagiging matatag sa gitna ng mga pangungutya ng mga tao sa paligid.
            Naiinis nga ako sa aking sarili dahil lagi ko na lang siyang tinutukso, kasi naman wala siyang ibang pinapansin kundi ang mga libro at mga kaibigan niyang maganda.
            Nakikita ko kung gaano siya kasaya sa piling ng mga ito. Siguro ay tunay ang pagkakaibigan nila, walang bahid ng kaplastikan hindi tulad sa akin. Ako marami akong kaibigan pero alam kung hindi sila totoo sa akin. Kinaibigan lang nila ako para makilala at may mahingian ng tulong
            Sana nga lang at hindi lang ikaw ang makaalam ng problema ko para may makapagpayo sa akin ng personal. Sana talaga at may magkamaling humukay sa lugar na ito upang mabasa niya ang liham ko. Sige salamat at pasensiya na ulit malaking puno sa isturbo. Paalam na at hanggang sa muli kong pagpunta rito. Sana sa pagbalik ko ay may liham
na din dito .
                                                                                                                                    Ariel☺
Ang unang liham na kanyang nabasa dalawang taon na ang lumipas. Dahil sa kanyang pagiging “curious” kuno. Sinagot niya din ito.      

Ariel
            Kumusta? Pasensiya na at ako ang nakabasa ng liham mo. Pero siguro ayos lang sa’yo dahil naghahanap ka ng makakabasa nito at makakabigay sa’yo ng payo tungkol sa iyong usaping pag-ibig.
            Alam mo pareho lang tayo na may gusto sa isang tao pero ang pagkakaiba lang ay guwapo ang gusto ko at ako hindi. Kilala siya pero ako kilala rin sa paraan ng pangungutya.
            Ang taong gusto ko ay palagi nalang akong tinutukso at sinasaktan ang puso kong lihim na umiibig sa kanya. Pero ayos lang at least pinapansin niya ako bahala na kung masakit. Sige dito ko nalang tatapusin ang kwento ko. Ako nga pala si Debbie. Kung ayaw mo akong maging kaibigan ay ayos lang sa akin. Hindi ako marunong mamilit ng mga tao. Paalam na.                                                                                                                                                    Debbie☺
Sa nakalipas na dalawang taon ay lagi niyang sinusulatan si Ariel. Matapos niyang mabasa ang inilagay na liham ni Ariel at mailagay ang liham ay ibinaon na niya
ulit ang kahon.

Papasok na si Maki sa silid niya para sa English 03 ay binunggo na naman siya ni Revo. Lagi niya itong ikinakaila na kilala niya ito, ayaw niyang may mapag-usapan ang mga tao tungkol sa kanya, tama na iyong mukha niya niya ang pinagtsitsismosan ng mga tao sa paligid. Nakangiti pa si Revo habang nakatingin sa kanya matapos siyang bungguin.
            “Ano ba? Bakit mo ako binunggo? May ginawa ba akong kasalanan sa iyo? Ha?” pag-aasik niya.
            “Wala lang!” Sagot nito na patuloy pa rin sa pagngiti.
            “Bakit ka ba laging nagpapapansin?”
            “Hoy! Babaeng halimaw! Your so ambitious, to think that I want your attention. Take a look of yourself in the huge mirror. Your like a person with a very critical disease” ang pang-iinsulto nito sa kanya.
            “Lalaking parang baliw sa kangingiti. Huwag mo akong daanin sa ingles mo at hindi kita uurungan. Ayos lang sana na tawagin mo akong halimaw pero ang api-apihin mo ako ay iyon ang hindi ko
 mapapalampas” napaiyak na siya at handa ng tumulo ang kanyang
mga luha.
            “Hoy! Halimawa umiiyak ka ba?”
            “Ewan ko sa’yo” sabay pasok sa silid nila.”
            Tuluyan ng tumulo ang luha niya at nilapitan siya ng kaibigan niyang si Dess na kaklase din nila.
            “Okay ka lang ba friend? Anong gusto mo upakan ko na lang iyang crush mo?! Hindi na yan tama ha! Sobra na iyan.” Galit na sambit sa kanya ng matalik niyang kaibigan.
            “Huwag na, wala din namang mangyayari eh! Hayaan nalang natin ‘to”

Ang ganda pagmasdan na pati kalikasan ay pinagsasabihan nila ng problema o ano mang hinaing meron sila kahit hindi nila ako nakakausap pero kinakaibigan pa rin nila ako. Isipin man nating mabuti ay kaunti nalang ang mga tao na kinakaibigan ang isang tulad kong anak ni Inang kalikasan. At marap ang pakiramdam na sa munting paraan ay may natutulongan akong mga mortal na hanapin ang tamang landas sa paghahanap ng tunay na pag-ibig.
            Sana ay marami ang maka-alam nito at gawin din ang ginawa nila na kinakaibigan ang kalikasan.
            Pero ang hilig talaga ng mga tao sa lihim. Kay daming lihim na daopat ibunyag upang malaman at magkaroon ng resulta na ikaliligaya ng karamihan. Tulad ng mga nilalang na ito na itinatago ang mga nararamdaman. Tao nga naman.”


Nasa ilalim ng puno si Revo, dito siya naglalagi at nagsusulat ng liham sa isang babaeng naging kaibigan ng dahil sa pagiging mapanuri daw nito sa mga bagay sa paligid, Debbie ang pangalan ng hindi pa nakikitang kaibigan. At hinukay ang lupa kung saan niya inilibing ang liham na naglalaman ng kanyang suliraning pag-ibig. Sa loob ng dalawang taon ay ito ang kanyang ginagawa araw-araw. May bagong liham na nasa loob.

Debbie
            Humihingi  ng tawad. Ang manhid ko talaga. Palagi ko na lang nasasaktan ang taong mahal ko.
            Ayos ka na ba? Sana magkakilala na tayo upang opisyal na talaga tayong magkaibigan. At para kasing ang lahat ng ginagawa ko ay ginagawa din ng taong gusto mo sa’yo.
                                                                                                                                    Ariel☺
            Matapos magsulat ay nagpahinga siya sa ilalim ng puno hanggang sa hindi niya namalayan ay nakatulog na pala siya.

            Nagising si Revo sa pagsayaw ng puno na kanyang likuran. Bigla siyang napamaang sa kanyang nabungaran.
            “Naku po!”
            “Hi there! I’m Dios meaning Diosa. I’m the guardian of these tree. Pwede mo na ring sabihing isa akong diwata.” saad ng isang babaeng nakaputi at may dalang kumpas.
            “Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?”
            “Alam mo Revo. Kilala kita o mas angkop sabihin nakilala na kita dalawang taon na ang nakakaraan. At alam ko ang iyong suliranin.”
            “Bakit mo ako kilala? Kung kilala mo ako , eh! Paano?anong suliranin ang sinasabi mo?”
            “Wow! Excited ka naman masyado. Calm okay?”
            “Eh! Paano ako kakalma kung may hiwaga akong iniisip.? Sino ka ba talaga? Sige na naman sabihin mo na.” natatakot niyang tanong.
                  “Okay, dalawang taon na ang nakararan ay may lalaking naghukay sa lupa na nakapalibot sa akin. Sa paghuhukay ng lalaking iyon ay nagambala ang aking pamamahinga. Nakita ko siyang sumulat ng liham at inilagay sa isang kahon at ibinaon sa lupang kanyang hinukay. Sa liham nga niya ay nakalagay ang paghingi niya ng paumanhin sa ginawa niyang paghuhukay at ang pakikipagkaibigan” pagbabalik tanaw ng babaeng nakaputi.
      “Naaalala niya nuon ang kanyang ginawa, hindi niya akalain na totoong may espirito ang puno. Akala niya ay sabi-sabi lang yun ng mga matatanda. Pero ngayon ay naniniwala na siya sa mga sabi-sabi.” -Nasa isip niya.
      “Hey! Boy alam ko ang iniisip mo! Hindi kami sabi-sabi lang, okay? It’s just that, people don’t believe in supernaturals or those who exist but can’t be seen by the ordinary eyes. Gets
aketch?” masayang  pagtatama ng diwatang si Diosa.
      “O- kay! A-A- Anong kailangan mo sa akin? Anong maipaglilingkod ko sa’yo?” pag-aalinlangan niyang tanong kay Diosa.
      “ Hmm. Alam ko kasi ang sagot sa problema mo. Want to know how? It’s too easy. It’s just a click and whisp of my wand. Got it? Let’s try.”

Biglang nawala ang babae, nagulat siya sa nangyari kaya bumalik na lang siya sa pagtulog..

     Walang magawa si Maki kaya patungo siya ngayon sa puno at baka maabutan niya ang tunay na Ariel. Habang hawak niya ang isang pocketbook ng Precious Hearts Romance. Ito ang paboritong babasahin niya. Nakakolekta na siya ng higit sa isang daan dito. Sa pagbabasa nito ay parang nasasalamin ng kwento ang kanyang buhay pag-ibig o ang buhay niya mismo.
            Habang naglalakad at nagbabasa ay napansin niyang may nagpapahinga sa puno, nagmamadali siyang pumunta doon. Laking gulat niya kung sino iyon, si Revo. Nagkaroon siya ng hinuha na baka si Revo at si Ariel ay iisa lang.  liningon niya ang pinagbaonan niya ng kahon pero may mali dito.  Hindi na ito tulad kanina ang ayos. Nasa ibang lugar na ang bato at mababaw lang ang pagkakalibing ng kahon dahil kita pa ang dulo nito.
            Sa pagdududa niya ay bigla niyang tinadyakan si Revo na natutulog.
            “Hoy lalaki bumangon ka nga diyan” hindi man niya ito gustong gawin pero parang may humila sa kanya upang gawin iyon.
            “ Aray! ano ba? “ kamot ang ulo na bumangon si Revo. At mababakas
sa mukha nito ang pagkagulat sa kung sino ang gumising sa
kanya.
            “Lalaki, kanina ka pa ba ditto?”
            “Oo, kanina pa, pagkatapos ng English natin. Bakit ba?”
            “Kung ganun alam mo ba kung sino ang humukay sa parting iyon?” turo niya sa lugar kung saan nakalagay ang kahon.”
            “Ako, Bakit ba?” dalawang taon ko na inilalagay ang kahon nay an diyan. Pakialam  mo kung hukayin ko iyan?”
            “A-Ariel? Ikaw si Ariel?” gulat na tanong niya kay Revo.
            “Oo, ang kulit mo naman. Bakit ba?” para itong nagdedeleryo. Nakapikit ito habang nagsasalita.
             “Hindi mo ako kilala?”
            “Kilala kita Noh! Ikaw yong babaeng gusto ko. Pangit pero maganda ang kalooban. Matalino at yung lagi kong inaasar para lang mapansin ako.” Parang lasing na sagot ni Revo sa tanong niya.
            “Revo, totoo ba yang pinagsasasabi mo? Huwag ka magbiro ng ganyan dahil mababaw lang ang luha ko.” Hindi makapaniwalang
tanong ulit niya.
“Oo naman, hindi ako sinungaling no! hindi ko lang masabi sa’yo dahil takot akong mabasted. Baka sabihin mong ginagamit kita at pinaglalaruan lang kita.”
             “Bakit mo sinasabi sa akin yan?”
            “Hindi ko alam. Takot ako pero hindi ko alam kung bakit nasasabi ko sa’yo ngayon ‘to.”
            At mula sa kung saan ay may lumitaw na babaeng nakaputi.
            “Hey! Girl, you’re here na pala I did’nt notice your
arrival” (parang bakla na nagsalita ang hinuha niyang diwata.)
            “I know what you are thinking of, don’t worry too much. Okay? I’m just here to help these friend of mine. He don’t know how to tell you his feelings because of his negative thoughts. “
            “Okay.” Lumingon uli siya kay Revo na parang nawalan ng ulirat. At biglang pinitik ng diwata ang daliri nito at parang bula na nagising uli si Revo.
            “Anong nangyari sa akin? O halimaw ba’t mo ako pinatid? Ha?” parang gulat na tanong ni Revo sa kanya. At nang lingunin niya ang diwata ay wala na ito.

Para siyang nagayuma kanina. Nanaginip siyang may diwatang lumabas mula sa puno at nakipag-usap sa kanya. Nagising siya kanina ng patirin siya ni Maki at may itinanong sa kanya. Pagkatapos ‘non ay wala na siyang naalala pa.
            Ngayon ay gising na talaga ang kanyang diwa at nakikita niya na si Maki na nakatanaw sa kanya at nakangiti na sobrang tamis. At si malamang dahilan ay parang nakakaramdam siya ng gaan na para bang nawala ang problema niya.
            “Oh Bakit ka nakangiti sa akin ng ganyan?” tanong niya sa dalaga.
            “Wala may itatanong lang sana ako sa’yo..
            “Ano yun?”
            “Ah! Kanina may sinabi ka kasi sa’kin. Gusto ko lang malaman kung totoo iyon?”
            “Anong sinabi ko sa’yo?”
            “Na mahal mo ako, at kaya mo ako lagging iniinis ay para mapansin kita. Totoo ba yon lahat?
            “Paano mo nalaman yan? Sinong may sabi sa’yo? Yung
babaeng nakaputi? Si Diosa?”
            “Kilala mo yun? Pero di na bale yun. Kaya ko nga itinatanong
sa’yo dahil sa’yo yun nanggaling.”
            “Ah-ah, eh- eh kasi—ano ahh. Oo totoo yun, mahal kita kahit ganyan ka. Ikaw ang parang nagpapakita ng mga bagay na wala ako. Ang pagiging matapang at kayang humarap sa problema  at pangungutya ng mga tao. Mga bagay na wala sa akin.”
            “Alam mo, mahal din kita kaya lang hindi maipakita sa’yo dahil pareho tayong ayaw masaktan. At kahit lagi mo akong iniinis ay ayos lang sa akin at least ay napapnsin mo ako. Pasensiya na at lagi ako nagagalit sa’yo, ayaw ko lang ipakita na may gusto ako sa’yo baka kasi pag-usapan ako diot sa campus.”
            “Pareho pala tayo ng nararamdaman. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo, sa pananakit ko ng damdamin mo. Sana ay mapatawad mo ako.”
            “Ayos lang sa akin yun. Lahat ng sakit ay nawala dahil sa mga sinabi mo ngayon.”
            “ Ngayon nalaman ko na pareho pala tayo ng nararamdaman meron na akong lakas ng loob na itanong sa’yo ito. Maaari ba kitang
maging nobya?” matapang niyang tanong kay Maki.
            “Pero ang mga tao, baka kutyain ka nila tulad ng hinagawa nila sa akin.”
             “Wala na akong pakialam dun. Ang importante ay tayo.”
            At bigla na lamang lumitaw si Diosa.
            “Oh! Sobrang cheesy niyo naman, can I join?”
            Masaya na nilang hinarap ang diwatang dahilan ng pagkaresulba ng kanyang problema.
            “Salamat sa tulong mo, kung hindi dahil sa’yo hindi ko masasabi ang tunay kong nararamdaman para kay Maki.”
            “Wala kang dapat ipagpasalamat, ang tunay mong pagmamahal sa kanya ang siyang naging daan para magkaroon ng magandang katuparan ang inyong pag-iibigan. At dahil minahal mo si Maki sa gitna ng kanyang panlabas na anyo, may ibibigay akong regalo sa inyo.” Pumikit ang diwata at sumunod na lang sila dito.” Salamanka, tunay na pag-ibig na ipinakita ay gawing masaya at maganda.”Pagkatapos banggitin ni Diosa ang kanyang uyam ay nagkatinginan silang dalawa ni Maki. Ay nawala na itong bigla. At nagulat siya ng Makita niya ang mukha ni Maki. Nakinis na ito at walang kulubot.
ang hindi magandang bagay dito.
            “Maki ang mukha mo!”
            “Bakit anong nangyari sa mukha ko? “gulat na tanong ni Maki sa kanya.
            “Wala na ang mga kulubot mo sa mukha. Makinis na ang iyong mukha. Siguro naman ngayon sasagutin mo na ako?”
            “Hmm” paghihimig ni Maki na parang nag-aalinlangan kung sasagutin siya o hind. “ sige na nga Oo na.”
            “Yes! (sabay talon ng mataas) salamat sa iyo. Pangako hinding hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita.” Pangako niya sa kanyang kasintahan.
            Magkayakap silang dalawa ng biglang ang puno ng mangga ay namulaklak. Nabigla sila at napangiti sa isa’t isa.
Makalipas ang dalawang taon ay nagpaksal sila Maki at Revo. Napag-alaman nila na ang mga pangalan na kanilang ginamit sa paggawa ng liham ay ang kanilang ikalawang pangalan. Si Revo ay Revo Ariel Guezas at si Maki naman ay Maki Debbie Reyes. Sa gitna ng pag-uusap nila ay kanilang naalala ang nangyari sa puno nuon.
            “Hindi ko akalain na mangyayari ang ganun sa tulad nating ordinaryong nilalang. Ang saya ko ng malaman na mahal mo pala ako.” Sabi ni Maki
            “Alam mo may dahilan kasi kung bakit hindi ko masabi sa’yo ang nararamdaman ko. Hindi lang sa takot kong mabasted mo. Ayaw ko talaga masaktan dahil sa bahay lagi na lang ako nakakakita ng karahasan. Kahit kasi sabihing mayaman kami eh! Lagi naman nag-aaway sina mama at papa. Kapag kinukulit kita, gusto kong gawin yon para makuha ang atensiyon mo. Sa bahay ay hindi nila ako pinapansin kahit ako lang ang nag-iisang anak nila. Kaya gustong-gusto ko kapag nagagalit ka sa akin. Kahit galit ka ayos lang dahil pinapansin mo naman ako.” Ang pagbibigay linaw ni Revo sa kanyang mga nagawa nuon.”
            “Totoo nga na makapangyarihan ang pag-ibig.may paraan upang magkalapit ang mga pusong ilang."

♥♥♥ WAKAS ♥♥♥



“Mapagpanggap na Puso”

ito ay isa sa mga ginawa namin noong nasa ikatlong antas na kami sa kolehiyo bilang requirement sa isa naming major na klase. Isang Nobela na nagawa ko sa pamamagitan ng imahinasyon at sa mga napulot na kaganapan sa pagbabasa ng mga Tagalog Romance Novel....Kahit sabihin nila na walang magandang naidudulota ng pagbabasa ko ng mga ganun, ngayon napatunayan ko na lahat ng mga bagay o kaalaman ay hindi lang napupulot sa tabi-tabi kung hindi nadadagdagan pa ito kung magbabasa ka.....SANA MAGUSTUHAN NIYO ANG ISANG MUNTING KWENTO NA AKING NAISULAT (batay sa totoong pangyayari at mumunting imahinasyon :-)

“Mapagpanggap na Puso” 
Ni Marie Ybonne B. Pantuan 

 “Kung may utak at nakakapag-isip ng mabilis ang puso sana ok na ang buhay pag-ibig ko ngayon” sambit ni Gary habang inaalala ang mga sinabi nang kanyang mga kaibigan. Lagi kasi siyang tampulan ng tukso tuwing nagkatipon-tipon silang magbabarkada mula sa iba’t ibang mga trabaho. Nakakairita pakinggan ang mga komento ng mga ito tungkol sa kanya. Keso matanda na daw siya, keso mahal pa niya ang ex- niya at umaasa pa siya na magkakabalikan sila. Masakit isipin ang mga ito pero anong magagawa niya kung wala pang nagkamaling na ligawan siya. Para kasi siyang isang ibon na nakapaloob sa hawla. Gustuhin man niyang magkaroon ng kasintahan ay iniisip niya ang kanyang mga magulang. Ayaw niyang magalit ang mga ito sa kanya. Siya na lang kasi ang inaasahan ng mga ito sa pagtataguyod ng kanilang pamilya sa hinaharap. Ayaw niyang sayangin ang pagtitiwala ng mga ito sa kanya. Nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo si Gary. Tinitiis na lang niya ito upang matupad ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na magtataos siya ng walang dungis o kasintahan. “Hahay… kainis naman, lagi ko na tuloy naaalala ang mga iyon” nakangising pagsasaway niya sa sarili. Papasok na siya sa eskwela at hindi siya nagmamadali dahil maaga pa naman. “Nay! Babooh!.. na, Alis na’ko.” Paalam niya kay aling Martha ang kanyang butihing ina. Sa eskwela naman. “Hoi! Babae nakikita mo ba ang nakikita ko?” tanong ni Anne sa kanya. Tanghalian na nuon at magkasalo silang magkakabarkada sa isang maliit na mesa sa kantena ng unibersidad na pinapasukan. “Ano na naman iyang nakita mo ha? Lagi ka na lang may nakikita. Ano ba ang kinalaman ko sa mga nakikita mo? Mabubusog ba ako niyan . Ha!?” nangingisi niyang sagot na hindi tinatapunan ng tingin ang hinaharap ni Anne na direksyon. Abala kasi siya sa pag-gawa ng proyekto nila. “Naku! Bahala ka ngang babae ka. Sayang may masisilayan ka sanang anghel sa araw na ito, ikaw rin bahala ka.” Panunudyo ng kaibigan. “Ano ba talaga ‘yan ha! ba’t ba ang kulit mo?.” Saad niya at hinahanap ang sinasabi ni Anne na anghel daw. Nabigla siya ng makita ang tinutukoy ni Anne, si Léi yī pala. Isang exchange student mula sa China, mabait, magalang, matalino, maginoo, pala-kaibigan at higit sa lahat Campus heartthrob. Kaklase niya ito sa isang subject. Madali itong pakisamahan, medyo makulit din kasi ito. Sa lahat ng kaklase nila siya pa ang laging iniisturbo nito –pero ang totoo gusto niya ang ginagawang iyon ng binata, sa simpleng pang-aasar nito sa kanya ay parang may namumuong kilig sa kanyang dibdib, parang bombang handang sumabog sa tuwing nagkakalapit sila . “Oh! Ano ka ngayon!? Sabi ko sa’yo eh! may anghel ayaw mong maniwala” puna sa kanya ng kaibigan. Alam nito ang kanyang nararamdaman tungo sa binata. “Oo na, pero alangan namang pansinin tayo niyan.” Pag-dadahilan niya. Nasasaktan kasi siya dahil sa dami ng mga babaeng lumalapit dito at nagpapapansin. Kaya ibinalik niya ang kanyang tingin sa ginagawa bago pa man ito nagpakita sa kanya. “Ayan! Kitams. Hahaha sabi sa’yo eh! Alam mo bang marami ang naiinggit sa’yo sa klase kasi ikaw nalang lagi ang kinukuklit niya.” Paliwanag ng kanyang butihing at makulit na kaibigan. “Ewan, bahala silang mainggit. Anong paki ko? Di ko naman kaanu-ano si Léi yī . Bahala nga sila” pagtatanggi niya. “Naku, Gary masamang magsinungaling.” “Ah! Ewan.!” Sa klase kung saan magkaklase sila ni Lei. “Uie! Sungit, ayan ka na naman ayaw mo na naman akong pansinin.” Pag-uumpisa ng pangungulit ni Léi yī –magaling itong mag-tagalog dahil Pilipino ang nanay- na kakapasok pa lang sa klase. “Uie! Intsik ano ba talaga problema mo? Ha? Alam mo marami na ang nagagalit sa akin dahil ako nalang ang lagi mong kinukulit, pati mga kaibigan ko pinagdududahan ta’yo. Kaya pwede ba huwag mo na akong lapitan dahil napagkakamalan nila tayong mag-ano eh!” pangbubugaw niya kay Léi yī . “Asus. Sorry na, kasi naman ikaw lang yata ang walang gusto sa akin dito eh! Ni hindi mo nga ako tinatapunan ng tingin ‘pag dumadaan ako sa harapan mo.” pagwawali ng binata. “Akala mo lang wala!” Bulong niya sa kanyang sarili. “Anong sabi mo?” “Ah! Wala. Sige na lumayo ka na sa akin pinagtitinginan na tayo oh!” pagtataboy niya rito.

 Makalipas ang ilang araw, at buwan talagang hindi siya pinansin ni Léi. At sa kadahilanang hilig niya ang maghanap ng mga English name ng mga Chinese o kung sino man o anumang lahi ay pinagdiskitaan niyang halukayin sa internet ang English name ni Lei. Ngunit hindi niya ito nakita kaya nagtanong nalang siya, pero wala ring nakaka-alam nito. Halos isuko na niya ang itinakdang gawain sa kanyang sarili ay may nakita siyang isang papel na naka-ipit sa kanyang aklat. Binukalat ni Gary ang aklat niya at nakita niya ang isang pirasong papel na may mensahe. Gary Kawawa ka naman. Alam ko kung ano ang hinahanap mo. Lei ang palayaw na gamit ko pero ang totoo Léi Yī ang totoo kong pangalan. Sana huwag mo nang hanapin pa ang term na ‘yan ayaw kong nakikita kang nahihirapan. Rey ang English term ng pangalan ko. Siyanga pala huwag mo nang awayin si Anne sa kanya ko kasi nalaman ang pinagkakaabalahan mo nitong nakaraan. Siguro nagtataka ka rin kung bakit hindi na kita pinapansin nitong nakaraan. Marami kasi akong ginagawa at uuwi na ako sa susunod na linggo. Ang sulat na’to ang magsisilbing paalam ko sa’yo. Alam ko na ayaw mo akong kausapin dahil sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa’kin, kaya iniiwasan nalang kita. Sa totoo lang nasasaktan ako kapag nakikita kita at hindi man lang kita maasar at makausap. Pero ayos lang nakikita naman kita araw-araw sa klase. Sana ay maging masaya ka dahil nalaman mo na ang totoong pangalan ko. At sa susunod na mga araw baka hindi mo na rin ako makikita. Wala ng mangungulit sa’yo o mang-aasar. At higit sa lahat gusto ko lang malaman mo na mahal kita simula pa noon, dahil ikaw lang ang babaeng hindi nagpapakita ng interes sa’kin sa kabila ng kakisigan ko (alam ko sasabihin mong hambog ako pero ‘yan ang sabi nila) at kagwapohan kaya nagpapasalamat ako. Siguro nagtataka kung bakit kita kinukulit kahit na mahal kita, dahil gusto kong pansinin mo ako at ngitian. Nagkakasya na lang akong makita kang nakasimangot sa’kin kahit paano ay napapansin mo ako at nililingon. Ayaw kong ipaalam sa’yo dahil ang alam ko mula noon hanggang ngayon wala kang interes sa’kin. Maraming salamat sa lahat. Sa makalawa na ang alis ko papuntang china at baka matagalan pa bago kita makita uli kung magkita man ta’yo sana hindi ka pa nakakahanap ng makakasama sa natitirang buhay mo. Sana tandaan mo ako bilang isang taong makulit na nagmamahal sa’yo. Salamat sa alaala at tandaan mo mahal kita. Léi yī “Asan na ba yung intsik na ‘yun? Hay! Naku. At asan na rin yung mahadirang Anne na yun. Tsismosa talaga Naku! Talaga pahamak.” Naiinis na sambit niya habang palinga-linga sa paghahanap as dalawa. “Totoo kaya ang mga isinulat niya? Parang nahahabag ang damdamin ko dun ah! Sana alam lang din niya ang nararamdaman ko.” Saad niya sa sarili. Ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone. “HI! N g8 m b ung letr ko?” mula sa isang unknown number. “Ho U?” reply niya. “8s me Lei, but since u knw my eng. Name kol me Joe” “So 8s u, yup, I’ve olredi read 8. S 8 4 real? D things u wrote?” “Yup, I mean evry single word on it” reply ng binata. “Cn we m8. I hav somthing 2 tl u. f 8s ok w/ u.” tanong niya. “Xur, bt u sed u dnt wnt me near u.?” “Drs an exceptions somtymz.”pagtatanggol niya sa sarili. “K. Wer nd wen? I’m free hol day.” “How about at d cafeteria? I think 8 won’t b obvious. Around 1 pm.” “K, I’ll b dr.” 

 Ala una na, kararating lang niya sa tagpuan ni Lei. Kinakabahan siya, nagpadalos-dalos siya kanina ng gusto niyang kausapin si Lei. Hihingi sana siya ng tulong kay Anne pero kanina pa niya ito tunatawagan pero hindi sumasagot. Parang naregodon ang puso niya ng matanawan niya si Lei. “Hi! Gary.” Bati nito sa kanya. “Ah! Hello.” ‘Anong pag-uusapan natin?” “ahh, kasi nahihiya ako.” “huwag ka ng mahiya. Tungkol saan ba iyan?” “Tungkol doon sa sulat.” “Ah yun ba? May pagdududa ka bas a mga sinabi ko sa’yo?” “Hindi ko kasi kayang paniwalaan na ang isang tulad mo na kilala sa eskwela at marami ang naghahabol ay nagkagusto sa akin. Para akong lalamunin ng lupa. Pwede mo bang klaruhin ang lahat sa atin? Ano nga ba talaga ako sa’yo?” pagtatanong niya. “Ah kasi ang totoo hindi ko alam kung pano sasabihin sa’yo ang totoo kung nararamdaman sa’yo. Simula pa nang una tayong magkatabi sa klase. Para kasing kakaiba ka sa lahat parang ang hirap mo pakitunguhan. Si Anne lang pala ang nakakaalam ng nararamdaman ko para sa’yo. Ayaw niyang sabihin sa’yo baka lalo kang lumayo at ayaw mo na akong kausapin ng tuluyan.” Paliwanang ng binata. “Ano? Alam ito ni Anne? Kalian pa? so, ibig sabihin nito ginawa niyo akong tanga. Hindi lang naman kasi ikaw yung nasasaktan eh! Iniisip mo lang ang sarili mo, paano naman ako? Hindi ‘nyo lang man bibigyan halaga ang nararamdaman ko sa’yo? Sana naman pinaalam mo para malaman ko.” Nagpupuyos na hinanakit ang pinipigilang ipalabas. Umiiyak na siya dahil sa mga nalaman niya ngayon. “Gary mahal kita, pero natakot lang ako na baka hindi mo tanggapin ang pag-ibig na inaalay ko. Ayaw kong masaktan.” “Alam ni Anne ang totoo, mahal din kita Lei. Pareho lang din ta’yo pero natatakot din ako. Wala sa hinagap ko na mahal mo rin ako. Isa lang akong simpleng mag-aaral. Hindi ako maganda, wala akong magarang sasakyan, mamahaling alahas at higit sa lahat hindi ako kasing talino ng mga babaeng nakapalibot sa’yo. Ayaw kong sabihin mong isa akong walang hiya o makapal ang mukha, o ‘di kaya’y sabihin mong agresibo ako sa mga lalaking gusto ko.” Pagsasaad niya ng kanyang tunay na nararamdaman. “Oh! Gary mahal kita. Salamat at mahal mo rin ako” parang nahihirapan siyang huminga sa pagkakayakap ng binata sa kanya. “Salamat din. Hindi ko lubos maisip na pwede pala talagang mangyari ang ganitong mga bagay. Isang na sa taas at nasa ibaba ay nagmamahalan.” Saad niya. “Ibig sabihin ba nito ay tayo na?” “Anong tayo na? saan tayo pupunta?” patay-malisyang sagot niya rito. “Ibig kong sabihin kung ikaw na ba ngayon ang kasintahan ko?” “Ah yun ba. Oo naman. Pero buti sana kung niligawan mo ako” “Yun lang ba? Asus maliit lang na problema yan. Mamayang gabi, huwag ka munang matulog ng maaga. Hintayin mo ako pupuntahan kita mamaya.” “Ha! Anong gagawin mo sa amin? Maliit lang ang bahay naming eh! Naku hindi ka sanay sa amin.” Pagtatanggi niya. “Ano ngayon gusto ko lang malaman kung anong meron pamilya ka para makapag-adjust ako malay mo hindi na ako mawawala pa sa mga paningin mo, lagi mo na akong makikita at hindi na ako umalis pabalik sa China. Hanggang sa makatapos sila ng kolehiyo ay hindi na sila naghiwalay at nagpakasal nang magkaroon ng sariling negosyo si Lei. at nagging guro naman si Gary.