Ang pagpapahalaga sa magulang ay isang bagay o katangian na hindi mawawaglit sa ating mga PILIPINO dahil likas tayong mapagmahal sa mga taong umaruga sa atin at siyang umintindi sa oras ng kabiguan. Itong blog na ito ay nagsisilbing alay ko sa aking ina na yumao na, kung hindi dahil sa kanya wala ako sa estado ko ngayon at lebel ng edukasyon na akin ngayong sinusuong.
Martes, Setyembre 27, 2011
Martes, Setyembre 20, 2011
Modyul sa Panitikan
I. Pamagat
Si Juan Osong
( Kwentong Bayan sa Rehiyon 5)
II. Panimulang Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisilbing gabay sa iyong pagkatuto. Naglalaman ito ng mga gawain at mga katanungan na hahasa sa iyong kaisipan at nang maibahagi mo rin ang iyong mga karanasan kaugnay sa akdang nakalakip dito sa iyong modyul. Magagamit mo rin ang iyong natutunan sa apat na bisa ng panitikan. Ito ay tutulong sa iyo upang mas lumawak ang iyong kaisipan at kaalaman sa panitikan. Makakakuha ka rin ng aral mula sa kwentong iyong babasahin na nasa modyul na ito. Kailangan mo itong pag-aralan at pahalgahan upang mas maging pamilyar ka sa panitikan at ang aral na mapupulot mo sa kwento ay magsilbing gabay sa iyo sa hinaharap.
III. Mga Instruksyon na Gagamitin
1. Basahing mabuti ang kwentong bayan ng rehiyon 5 na si Juan Osong.
2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
3. Basahing maigi ang panuto sa mga gawain.
IV. Mga Layunin
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito inaasahang:
a.Nabibigyan kahulugan ang matatalinghagang salita;
b. Nailalahad ang apat na bisang pampanitikan at
c. Naibabahagi ang sariling karanasan halaw sa akda.
V. Paunang Pagsubok
A. Panuto: Buuin ang mga jumbled letters at isulat sa papel. Ito ay mga lalawigan ng rehiyon 5.
1. YALBA 4.OOOGRNSS
2. IEAASNRMC URS 5. EAATBSM
3. CMNRSAEAI EORTN 6. SNDNTCEAUAA
B. Panuto: Punan ng mga tamang titik ang patlang upang mabuo ang kahulugan ng mga salita.
1. Ipabatid = I_a_l_m
2. Kwartel = H_m_i_a_
3. Mainam = _a_u_i
4. Katakam-takam = m_s_r_p
5. Kumaripas = _a_i_i_
VI. Sagot sa Paunang Pagsubok
A. 1. ALBAY 4. SORSOGON
2. CAMARINES SUR 5. MASBATE
3. CAMARINES NORTE 6. CATANDUANES
B. 1.Ipaalam 2. Himpilan
3. Mabuti 4. Masarap
5. Mabilis
Basahin ang kwento ni Juan Osong at sagutan ang mga gawain sa ibaba.
KWENTONG BAYAN
Si Juan Osong
May utos ang alkalde sa mensahero ng bayan kung saan nakatira si Juan na ipabatid sa mga mamamayan ang bagong ordinansa na nagbabawal na maglakad sa kalsada pagsapit ng alas diyes ng gabi. Dahil nasa lansangan pa si Juan Osong ng alas diyes, pinasiya niyang gumapang. Nakita siya ng pulis at tinanong, “ Bakit narito ka pa? Hindi mo ba alam na bawal maglakad sa kalye pagkatapos ng alas diyes ng gabi?”
Tumugon si Juan, “Opo, alam ko, pero nakikita naman ninyo. Hindi po ako naglalakad. Ako po ay gumagapang.”
Isang araw, dumaan sa kuwartel ng military si Juan. Kapag dumaraan ang isang tao sa kuwartel, inaasahang ito’y mag-aalis ng sumbrero at sumaludo sa bandila. Nang tawagin ng guardia si Juan at tanungin kung bakit hindi siya nag-alis ng sumbrero, sinabi ni Juan, “ Ginoo, kung mag-aalis po ako ng sombrero malalantad po ang ulo ko sa init.”
“ A, iyan ang dahilan mo? Kung gayon, huwag na huwag ka nang aapak sa lugar na ito kahit kailan.”
E, dahil kinailangan dumaan ni Juan sa munisipyo araw-araw para pumuntang palengke, ipasiya niyang humukay ng lupa sa kanyang bukid at inilagay sa kanyang kariton. Ipinahila sa kalabaw ang kariton habang nagdaraan sa munisipyo.
Nakita siyang muli ng sundalong nagbawal sa kanyang dumaan sa lugar na iyon noong isang araw at sinabi nito “ Hindi ba sinabi ko na sa’yo na huwag na huwag ka nang aapak sa lupang ito, kahit kalian?”
Sumagot si Juan, “Opo, pero nakaapak naman po ako sa sarili kong lupa,” ang sabi ni Juan.
May nakakatandang kapatid si Juan na nagngangalang Pedro. Isang araw, nang paalis sila sa kanilang bahay; sinabi ni Pedro na ikandado ni Juan ang pinto. Pero sa halip nito, ang ginawa ni Juan ay dinala ang pinto. Nang tanungin ni Pedro kung bakit dinala ni Juan ang pinto, sinabi nitong mas mainam na huwag na itong iwan para wala talagang makapasok dito.
Nagdala rin si Juan ng palakol, dahil magsisibak silang magkapatid ng kahoy sa gubat. Nang nasa gubat na sila, nakahanap sila ng malilim na puno at ipinasiya nilang akyatin ito upang doon makapagpahinga. Habang nasa itaas ng puno, may grupo ng magnanakaw na dumaan sa ilalim at nagsimulang buksan ang kanilang sako para pahati-hatian ang kanilang ninakaw. Muntik ng mag-ingay si Juan pero pinigilan siya ni Pedro.
Pagkatapos, nagsimulang magluto ang mga magnanakaw. Katakam-takam ang amoy ng kanilang niluluto at muli, gusto nang bumaba ni Juan mula sa puno. Ibinagsak ni Juan ang pinto at nagulat ang mga magnanakaw. Pinalakas ang boses at sinabing, “ Ako’y malaking tao, isang higante, bakit kayo nangahas na istorbohin ako?”
“Kung sadyang ikaw nga ay higante,” hamon ng mga magnanakaw,” ihulog mo nga ang isa sa iyong mga ngipin.”
At inihulog ni Juan ang palakol, kaya kumaripas ng takbo ang mga magnanakaw. Naiwan ng mga ito ang kanilang nilulutong pagkain. Noon na lamang bumaba sina Juan at Pedro at kinain ang pagkain ng mga magnanakaw. Iniuwi rin nila ang sako ng mga gamit na naiwan ng mga ito.
VIII. Mga Tanong na Sasagutin?
• Paano mo mailalarawan ang tauhan? Bakit?
• Kung ikaw si Juan paano mo babaguhin ang pananaw ng iba sa iyo?
• Anong bisang pampanitikan ang nangingibabaw sa kwento?
•Bisa sa Isip
• Bisa sa Damdamin
•Bisa sa Kaasalan
• Bisa sa Lipunan
IX. Panghuling Pagsubok
A. Gumawa ng buod ng kwento
B. Gumawa ng Positibo-Negatibong Tsart sa katangian ni Juan Osong
X. Sagot sa Panghuling Pagsubok
A. Ang Buod
Nag-utos ang alkalde na bawal ng maglakad ang mga tao ng alas diyes ng gabi. Minsan ay ginabi si Juan at gumapang siya, sinita siya ng pulis at sinabing bawal maglakad sa gabi. Sinagot niya ito ng “ Hindi ako naglalakad, Gumagapang po ako”
Nang minsan naman dumaan si Juan sa kwartel at kapag dumaan ka doon kailangan mong hubarin ang iyong sumbrero at magbigay galang sa bandila. Ngunit hindi hinubad ni Juan ang kanyang sumbrero dahilan niya ay “ Ginoo, kung mag-aalis po ako ng sumbrero, malalantad po ang ulo ko sa init”. Kaya sinabihan siya ng guwardiya na huwag ng tatapak sa sa lugar na iyon kahit na kalian. Eh! Kailangan dumaan ni Juan doon araw-araw, kaya naghukay siya ng lupa sa kaniyang bukid at inilagay sa kariton. Nakita siya ng guwardiya kaya sinita na naman siya at tinanong kung bakit siya dumaan doon sagot naman niya na hindi siya nakaapak sa lupa kundi sa sarili niyang lupa.
May kuya si Juan na si Pedro, inutusan siya nito na ikandado ang pinto, pero tinanggal ni Juan ang pinto at dinala iyon dahil mas mainam iyon para wala talagang makakapasok. Nagdala din sila ng palakol upang magsibak ng kahoy sa gubat at ng magpahinga sila sa itaas ng puno ay may dumaan na mga magnanakaw na naghahatian sa mga nakuha.
Nang magsimulang magluto ang mga magnanakaw ay natatakam na si Juan at nais ng pumanaog sa puno. Ngunit naisip ni Juan na ibagsak ang pinto kaya nagulat ang mga kawatan at agad siya nagsalita sa malaking boses na “ Ako’y malaking tao, isang higante, bakit kayo nangangahas na istorbohin ako?”
Ngunit hinamon si Juan na kung tunay siyang higante ay ihuilog ang isang ngipin niya. At hinulog ni Juan ang palakol kaya tumakbo ang mga kawatan. Pumanaog silang magkapatid at kinain ang niluluto ng mga umalis.
POSITIBO NEGATIBO
•mapamaraan •pilosopo sa
• matalino • maling paraan
• hindi marunong gumalang
• batugan
XI. Pagpapahalaga
“Huwag maging pilosopo at tamad, kung maging pilosopo gawin sa tamang pagkakataon at paraan”
Lunes, Setyembre 19, 2011
IMPLUWENSYA NG ALTERNATIBONG PAGTATAYA SA PAGKATUTO NG MGA ESTUDYANTE SA FILIPINO 2
ABSTRACT
PAMAGAT : IMLUWENSYA NG ALTERNATIBONG
PAGTATAYA SA PAGKATUTO NG
FILIPINO 2
MANANALIKSIK : Ardiza, Ailene L.
Bontilao, Venus A.
Mata, Anna Mie T.
Pantuan, Marie Ybonne B.
Sombilon, Russel Jane C.
DEGREE : Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
SCHOOL/ADDRESS : Cebu Normal University
ADVISER : ROSELLE J. RANARIO, DPA
DATE : March 11, 2011
YEAR COMPLETED 2011 NO. OF PAGES ___
========================================
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na tukuyin ang impluwensya ng alternatibong patataya sa pakatuto ng mga estudyante sa Filipino 2 upang mapahalagahan ang gamit ng alternatibong pagtataya sa kaalamang natutuhan ng mga estudyante. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pag-aaral malalaman ang antas ng pagpapahalaga ng mga estudyante tungo sa asignaturang Filipino. Sa layunin ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga ipotesis na una, walang kaugnayan ang profile at ang pananaw ng mga estudyante sa alternatibong pagtataya at pangalawa, walang kaugnayan ang ekspusyur sa impluwensya sa pananaw ng estudyante sa alternatibong pagtataya.
Tinitiyak sa pag- aaral ang kasagutan sa mga sumusunod: ang profile ng mga mag- aaral batay sa mga sumusunod na salik: gulang, kasarian,
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
INTRODUKSYON
Rasyunale
Sa makabagong panahon, ang guro at mga estudyante ay nahaharap sa mukha ng pagbabago, sa pagtuturo at pagkatuto. Hindi maipagkakait na malaki ang naging epekto ng impluwensya ng midya at makabagong teknolohiya sa komunidad. Maraming mga impormasyon ang mabilis kumalat at ang antas ng pagkatuto ng mga estudyante at patuloy ding tumataas. Ang malaking palaisipan dito ay kung paano epektibong masusukat ng guro ang kaalaman at ang natutunan ng mga estudyante sa loob ng klasrum.
Ayon kay Bridgett Michelle Lawrence (2010), “Classroom assessment is one of the most important tools teachers can use to understand the needs of the students.” Sa pahayag na ito, sinasabing ang pagtataya ay mahalagang kasangkapan upang masukat ng guro ang kaalamang natamo ng mga estudyante. Matutuklasan ng guro ang mga kalakasan at kahinaan ng bawat indibidwal. Kung gayon, mabibigyang gabay siya upang mas mapaunlad ang paraan ng pagtuturo at mabigyang direksyon ang mga estudyante tungo sa pagkatuto.
Ang nakaugaliang tradisyunal na pagtataya ay ang kadalasang ginagamit ng mga guro sa pagsukat sa natamong kaalaman ng estudyante. Binigyang pokus nito ang pangkabuuang aspeto ng isang indibidwal ngunit hindi nalilinang sa ganitong paraan ang kaalaman at kasanayan. Ayon pa kay Dianne Todd (2009), “Traditionally, schools educate students by downloading information from the teacher’s mouth to the students’ brains.”
Ayon naman ni Petro Feketa (2009), “Knowledge must be expressed to be assessed.” Maraming mga estudyante ang nahihirapan at hindi gaanong umaangat sa tradisyunal na pagtataya, ang tinatawag na pasulat na pagsusulit. Samantalang, kung sa mga interaktibong mga gawain, nagiging aktibo sila at masasabing sila ay umaangat sa antas ng kasanayan. Nagpapatunay lamang ito sa pilosopiyang, “Behind active learning, comes from the idea that every students learns differently.” Kung kaya, nagkaroon pa ng isa pang uri ng pagtataya, ang alternatibong paraan, na sumusukat sa kakayahan at kasanayan ng mga estudyante mula sa natamong kaalaman sa pagtuturo.
Sa paglitaw ng bagong paraan ng pagtataya, ang ilang mga guro ay gumagamit ng patatayang alternatibo ngunit mayroong mga guro naman na binibigyang pokus ang tradisyunal na paraan. Sinasabing ang tradisyunal na pagtataya ay epektibo upang masukat ang kaalaman ng mga estudyante. Maraming naniniwala na ang alternatibong paraan,na sumusukat sa kakayahan ng mga estudyante ay magandang paraan at epektibo ba sa patataya sa kaalaman ng mga estudyante. Naging tampulan ngayon, kung ano ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa natutunan ng mga estudyante sa Filipino.
Bilang estudyante at magiging guro sa hinaharap sa asignaturang Filipino, layunin ng mga mananaliksik na malaman ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa natutunan sa loob ng klasrum. Nais suriin ang pagtatayang alternatibo kung ito ba ay tanggap na ng mga estudyante. Upang malaman kung alin sa dalawa ang mas epektibong gagamitin sa pagtataya sa pagkatuto ng Filipino, ng sa gayon ay mapabuti ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mga estudyante at malinang ang kakayahang natamo ng bawat indibidwal.
Sanligang Teoretikal
Sa pag-aaral ng impluwensya ng alternatibong pagtataya sa mga natutunan ng mga estudyante sa Filipino sa Cebu Normal University , ito’y kinapapalooban ng mga sumusunod na teorya.
Ang teoryang Behaviorism na nagsasaad na ang bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay nito. Binibigyang-diin ni Skinner, qtd (Badayos, 2008) isang pangunahing behaviorist, na kailangang “ alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.
Sa pag-uuganay ng teoryang behaviorism sa pagtataya, binibigyang-pokus ang kasanayang pakikinig at pagsasalita. Hinahasa nito ang kasanayan sa pamamagitan ng pag-uulit at mga drill. Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro na ginagamitan ng target na wika.
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang pag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin, at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.
Ayon kay Howard Gardner (Mayos 2008) sa kanyang teoryang multiple intelligences, ang bawat estudyante ay may iba’t ibang lebel ng katalinuhan. Ang mga ito ay ang linggwistik, lohikal-mathematikal, biswal-spatial, musical, bodily-kinesthetik, intrapersonal, interpersonal, naturalist at eksistensyal. Sinasabing mahalaga sa isang mabuting pagtuturo at pagkatuto ang pagtuklas at pag-uunawa sa mga katalinuhan o istilo ng pagtuturo ng mga estudyante. Ipinahayag ni Gardner na ang bawat isa sa atin ay nagtataglay ng siyam na uri ng katalinuhan ngunit sa iba’t ibang sukat o kakayahan.
Ang teoryang Multiple Intelligences ay makikita at magagamit sa tuwing nagbibigay ang guro ng alternatibong pagtataya. Sa bahaging ito,hindi lamang puro kaalaman at masteri ang nasusukat, bagkus, nalilinang ang iba’t ibang kasanayan at kakayahan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng alternatibong pagtataya gamit ang Multiple Intelligences, mas lalong naipapakita ng mga estudyante ang kanilang kaalaman gamit ang kanilang katalinuhan at kakayahan.
Samakatuwid, pawang ang tradisyunal na pagtataya at ang alternatibong paraan ay may kaakibat na batayan ng mga teorya. Mayroon mang iba’t ibang paniniwala, pawang ang layunin nito ay maintindihan at mauwanaan, masukat ang kakayahan ng bawat estudyante sa natamong kabatiran.
Pagpapahayag ng Suliranin
Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito ay upang alamin ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa natutunan ng mga estudyante sa Filipino sa Cebu Normal University .
Ang mga sumusunod na katanungan ay hinihinuhang masasagot ng mga mananaliksik:
1. Ano ang profile ng mga estudyante: batay sa mga sumusunod na salik
1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 kolehiyong kinabibilangan
2. Anu-ano ang mga pagtataya na ginamit ng
instructor/propesor sa Filipino.
a. awtentiko
b. product o performance
c. ano ang kaugnayan sa kadalasang eksposyur sa
alternatibong pagtataya sa pagpapahalaga ng mga
estudyante sa Filipino.
3. May kaugnayan ba ang kadalasan ng ekspusyur sa
alternatibong pagtataya sa natutunan ng estudyante sa
Filipino?
4. sa pagkatuto ng mga estudyante sa Filipino 2?
Ang mga Ipotesis
Ang mga mananaliksik ay nakabuo ng ipotesis na ang alternatibong pagtataya ay:
HO1 Walang kaugnayan ang profile at ang pananaw ng mga
estudyante sa alternatibong pagtataya.
HO2 Walang kaugnayan ang ekspusyur sa impluwensya ng
pananaw ng estudyante sa alternatibong pagtataya.
Kahalagahan ng pag-aaral
Mga Guro – Nakasalalay sa kamay ng guro ang pagpili ng uri ng pagtatayang kanyang gagamitin sa pagsukat ng natutunan ng mga estudyante. Sila’y magkakaroon ng kaalaman sa mga pakinabang na dulot ng paggamit ng mga uri ng pagtataya, ang alternatibo bilang pantulong sa pagsukat ng natutunan. Natutunan nilang gumamit ng naaangkop na uri ng pagtatayang alternatibo at ang pagtataya sa natutunan ay maging madali, kawili-wili at higit sa lahat ay maging makabuluhan at makahulugan sa mga mag-aaral.
Mga Estudyante – Bilang sentro ng gawaing pagtuturo , labis silang makikinabang sapagkat malalaman nila na malaki ang maitutulong ng alternatibong pagtataya sa kanilang natutunan. Sila’y mahihikaya’t na tanggapin ang iba’t-ibang uri ng pagtataya
lalong lalo na ang alternatibo upang mapalawak at mapaunlad pa ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Mga Tagapamahala – Ito’y mahalaga sa mga namamahala tungo sa paggamit ng mabisang pagtataya sa ikauunlad ng mga estudyante. Ito ay makatutulong upang makatiyak sa mga pagtatayang ginamit. Mayroon silang pagpapahalaga sa mga uri ng pagtatayang alternatibo sa mga gawaing sumusukat upang maging daan para sa paglaanan ng panahon
Mga Mananaliksik – Sila’y makapaghahanda ng mga pagtatayang gagamitin bilang guro sa hinaharap. Mithiin, malaman at maikintal sa isipan ang mga gamit ng alternatibong pagtataya na may kabuluhan, nakakatulong sa pagpapalawak ng isipan, ganoon din ang pag-unlad ng mga kasanayan ng estudyante.
kABANATA ii
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito’y nakatuon sa kung ano ang mabisang pagtataya ang gagamitin sa pagsukat sa kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa kursong Filipino.
Ayon kay Oliva (1993),kailangang isagawa ang mapanuring pag-aaral na tatalakay sa mga dahilan ng mababang antas ng kaanyuan ng natutuhang pang-akademiko ng mga estudyante upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante sa pang-akademiko.
Ayon naman kay Badayos (2008) ang pagtataya o pagsukat sa natutuhan ay isang walang tigil na proseso at ito’y maaaring maganap anumang oras. Ibig sabihin ang isang pagtataya ay maituturing ng bahagi ng buhay hindi lang sa mga estudyante bagkus pati sa mga ordinaryong tao. Ito’y maaaring pormal o di-pormal.
Mula sa aklat ni Badayos, Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto (2008) sinasabing ang pagtataya sa tradisyunal na paraan ay isa lamang paraan upang matiyak kung mayroong pagkatutong nagaganap. Nagagawa rin ng pagsusulit na masukat ang masteri ng mga estudyante sa mga lawak ng wika na nalilinang sa klase. Nagpapatunay na hindi lang tradisyunal na pagtataya ang naging batayan ng guro sa pagsukat ng pagkatuto ng bawat estudyante.
Nangangahulugang kinakailangan pang tukuyin ng guro ang iba pang aspeto sa pagsusuri ng kakayahan at kasanayan. Kung tatanawin ito sa punto de bista ng teorya, maganda sana ngunit hindi tayo dapat na laging umasa sa resulta ng mga pagsusulit bilang pagtiyak kung anong paksa ang dapat ituro.
“Changes in forms of assessments are unlikely to enhance equity unless we change the way in which assessments are used as well, from sorting mechanism to diagnostic support,” pahayag mula kay Linda Darling- Hammond (1996). Dulot ng pagbabago sa pagtataya, umangat ang antas ng paraan kung paano masusukat ang natamong kabatiran ng estudyante. Ang pagtatayang ito ay tinatawag na Alternatibong pagtataya.
Mula sa artikulo ng pananaliksik nina Sara Vali at Parnaz (2010). “A Review of Studies on Alternative Assessments in EFL language.” Sinasabi nila na ang alternatibong pagtataya ay ginagamitan ng iba’t ibang instrumento na magagamit sa anumang gawain.
Ilan sa mga instrumentong tinutukoy ay ang checklist, journal, iba’t ibang babasahin at iba pa. Maliban sa iba’t ibang instrumento sa pagtataya binibigyang pokus din ng alternatibong pagtataya ang pagbibigay ng task.
Sinusuportahan naman ito ni Michall Breen (1987) cited by Badayos (2008), ang task na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task. Kung gayon ang bawat task sa pagtataya ay lalong mapapalawak ang kaalaman at pagkatuto ng lahat ng kasangkot sa silid aralan.
Kabanata III
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng descriptive survey na paraan sa pag-aaral ng kung ano ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa pagkatuto ng mga estudyante sa Filipino. Sa pag-aaral na ito lumalabas ang ekspusyur ng mga estudyante. Sa kung gaano naiimpluwensyahan ang kanilang pagkatuto. Sa ginawang ito ng mga mananaliksik kinakailangan lumikom ng mga datos sa loob ng paaralan sa Cebu Normal University .
Kaligiran o Lokal Pananaliksik
Ang ginawang pananaliksik ay ginanap sa Cebu Normal University (CNU) akademikong taon 2010-2011, pangalawang semester. Isa sa pinakatanyag na unibersidad sa bansa na kilala sa paghubog ng mga magagaling na guro sa kasalukuyan. At isang SUC ( State Universities and Colleges) isang lupon ng mga paaralan o unibersidad na pinatatakbo ng pamahalaan at ang mga mag-aaral dito ay mga tinaguriang “Iskolar ng Bayan
Tagapagtugon sa Pananaliksik
Ang mga tagatugon ay ang mga estudyante sa ikalawang taon ng kolehiyo na may kurso sa Filipino. Sa kadahilanang ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang impluwensya ng alternatibong pagtataya sa nasabing mga estudyante. Sila ang napiling maging tagatugon sapagkat sila ang may mahalagang papel sa pagtugon sa nasabing pananaliksik.
Kasangkapan ng Pananaliksik
Upang magkaroon ng kinakailangang sangkap, ang mga mananaliksik ay gumamit ng dalawa (2) instrumento. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Una, tseklist upang masagot ang una at ikalawang suliranin, ang talahanayan sa anyong tseklist na makikita sa Apendiks C ang ginamit. Ang suliranin 1 ay patungkol sa profile ng mga estudyante. Ang pangalawa naman ay tungkol sa kadalasan ng ekspusyur ng mga estudyante sa uri ng alternatibong pagtataya. Sa unang bahagi ay makikita ang edad, kasarian, at ang kurso at taon.
Sa ginamit na tseklist, makikita dito ang kadalasang uri ng pagtatayang alternatibo na ginagamit sa pagsukat ng natutunan ng mga estudyante, ang pagtatayang awtentiko, product o performance at proseso. Ang bigat ng karampatang puntos sa kasagutan ay ang mga sumusunod:
5- Palagi (P)
4- Paminsan-minsan (PMM)
3- Minsan (M)
2- Bihira (B)
1- Hindi Kailanman (HK)
Sa ikatlong suliranin, ginagamitan ito ng instrumentong
Likert Scale upang matukoy ang pananaw ng mga estudyante ukol sa alternatibong pagtataya sa pagpapalawak ng kanilang natututunan sa Filipino. Ang bigat ng karampatang puntos sa mga kasagutan ay ang mga sumusunod:
4- Sang-ayon na sang-ayon (SS)
3- Sang-ayon ( S )
2- Di-gaanong sang-ayon ( DGS )
1- Di sumasang-ayon ( DS )
Paglikom ng mga Datos
Sa bahaging ito, ang mga mananaliksik ay maglalahad sa kung paano kinalap o kinuha ang mga datos para sa pag-aara na ginawa. Ang mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kolehiyo sa Cebu Normal University ang siyang mga respondents sa ginawang pag-aaral. May liham na ibinigay ang mga mananaliksik sa estudyante. Dahil sa likas na kakayahan ng mga mananaliksik sa pakikipagkomunikasyon sa mga respondents, madali lamang natugunan ang paglikom ng mga datos mula sa kanila na magagamit sa pagtugon ng pananaliksik.
KATUTURAN NG MGA TALAKAY
Upang lubusang maunawaan ang paglalahad at patatalakay sa pag-aaral na ito, binibigyang katuturan ang mga sumusunod na terminolohiya.
ALTERNATIBONG PAGTATAYA- Uri ng pagtataya na kasanayan ng mga mag-aaral ang naging batayan sa pagmamarka, kadalasang ginagamitan ng rubriks.Tulad ng pagtula, pag-awit, pagsasadula at iba pa.
ESTUDYANTE – Ang mga tagatugon na nasa ikalawang taon ng kolehiyo sa Cebu Normal University na nakakuha ng asignaturang Filipino.
IMPLUWENSYA – Tumutukoy sa pagtanggap ng mga estudyante o pananaw tungkol sa alternatibong pagtataya.
PAGKATUTO – Ang kaalaman na naikintal sa isipan ng bawat estudyante.
AWTENTIKO – Ito ay ang mga gawain na malapit sa tunay na karanasan.
PROSESO – Ang pagkakasunud-sunod ng mga dapat gawin o mga istratehiya
PRODUKTO – Ang kinalabasang gawain gamit ang proseso sa
pagsasakatuparan ng gawain.
TSEKLIST – Ito ay isang komprehensibong talaan ng mga mahahalagang aksyon o hakbang na tinutukoy sa karaniwang hanay.
LIKERT SCALE – Ito isang psychometric scale na karaniwang
ginagamit sa pagtatanong at ang pinakamalawak na ginagamit sa survey ng pananaliksik. Ito ay ginagamit para tukuyin at sukatin ang antas ng kasunduan sa isang pahayag ng partikular na tagapagtugon.
Biyernes, Setyembre 16, 2011
Ang Mahiwagang Tagpuan
Isa sa mga binuo din namin sa aming major. isang kwento kung saan may 2 elemento... ang kapaligiran at ang tao.....lahat ng gawa ko tungkol sa LOVE kasi mas madaling gawin basta nararamdaman mo ang ganun. Madali kang makakaisip kung ano ang isusulat mo basta may INSPIRASYON.
alalahanin din natin hindi kailangan ng isang tao ang karelasyon dahil lang sa gusto nila, isipin mong mabuti kong bakit ka papasok sa ganun,,,,
Ito ay nagpapakita na ang mga GURO ay malikhain at may malawak na imahinasyon...
♥♥
“Hoy pangit!”
Iyan ang palaging
naririnig ni Maki sa mga taong kanyang nakakasalubong. Pero imbes na magalit ay
nginingitian na lang niya ang mga ito at kinakawayan. Ayaw niyang ipakita ang
sakit na nararamdaman. Nauunawan niya naman kung bakit ganun na lamang ang
tawag sa kanya.
“Okay lang yan
Maki, walang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan” paalala niya sa kanyang
sarili habang naglalakad sa mahabang daan patungo sa unibersidad na kanyang
pinapasukan. Pansin din niya ang pagtitnginan ng mga tao sa kanya. Sa mukha ba
namaniyang puno ng tigyawat,kulubot at magaspang.
“Nakakahiya naman
para akong artista na pinagtitinginan ng mga tao. Di bale na nga lang basta
wala akong pakialam dadaan ako sa harap o likod nila. Hindi ko naman gusto na
tingnan nila ako” pagmamayabang ni Maki sa sarili.
Habang papasok si Revo sa
unibersidad ay nakita niya na naman ang Halimaw habang sakay sa kanyang puti na
Ferrari Sports Car.
“Ay! Ang halimaw
akala mo kung sinong maglakad” saad ni Revo sa sarili. Siya ang pinakasikat sa
campus dahil sa gwapo, mayaman at higit sa lahat mayabang. Karamihan din sa
kanyang mga barkada ay anak ng mga kilalang tao sa lipunan.
“Hoy halimaw,”
sabay busina at dungaw sa tinatawag. Lagi niyang nakikita ang babaeng ito sa
campus. Magkaklase rin sila sa English 03. Maki Reyes ang pangalan nito sa
napaga-alaman niya. Matalino ito at masiyahin. Gustong-gusto niya itong asarin
sa pamamagitan ng pagtawag niya dito ng Halimaw. Makinis ang kutis nito at
hubog Coca-Cola ang katawan pwera lang sa isa, ang pangit nito tingnan para sa
iba. Pero iba ang pagkakatingin niya sa kapangitan nito. Pangit nga ang anyo
nito pero maganda naman ang kalooban.
“Hoy halimaw lumingon
ka nga!” sabay baba ni Revo sa
sasakyan at nilapitan si Maki.
“Ay Butiking
nahulog sa sapa” gulat na saad ni Maki ng
hawakan niya ang siko nito.
“Anong kailangan mo
sa akin?Kilala ba kita? Ba’t mo ba ako tinatawag?”
“Hoy! Bakit alam mo
na tinatawag kita?” nakangiting tanong ni Revo.
“Eh sino ba ang
kaharap at kausap mo ngayon?”
“So, totoo nga na
halimaw ka?”
“Gago ka! Kahit
hindi yan totoo ay ipagtatanggol ko ang aking sarili sa tulad mong mapanghusga.
Isa pa ay wala kang karapatang tawagin akong halimaw. Una, hindi kita kilala.
Pangalawa, sino ka ba?. Pangatlo, bakit mo ba ako iniinis?” matapang na ratsada
sa kanya ni Maki.
“Ay! Hindi mo ako
kilala? Ako yata ang ang pinakasikat dito sa campus tapos hindi mo ako kilala!
Isa, pa ay kaklase mo ako sa English 03! Ang tanda mo na siguro kaya hindi mo
ako kilala?-ha-ha-ha” palatak niyang tawa.
“Pakialam ko ba?
Kung sikat ka, eh! bakit hindi kilala? Siyanga pala hindi mo ako sinasagot!
Bakit mo ba ako tinatawag, at alam ko rin na pangit ako, pero huwag mo akong
tatawagin na halimaw”.
“Cool ka lang. Ang
init naman ng ulo mo”
“Sinong hindi
mag-iinit ang ulo kung sa ganito ka aga ay binibuweset ka ng taong hambog?”
sabay talikod nito sa kanya.
“Hay! Kung alam mo
lang sana !”
panaghoy niya habang pabalik sa kanyang sasakyan.
Malayo na si Maki pero nakangiti
siya sa nangyari sa kanya. Hindi naman niya akalain na siya ang lalapitan ni
Revo. Kahit nasasaktan siya sa sinabi nito ay masaya pa rin siya dahil pinansin
siya ng lalaking lihim niyang iniibig sa loob ng dalawang taon.
Nakangiti lamang
siya habang inaalala ang nangyari sa kanya at kay Revo kanina. Nandon na siya
sa punong kanyang tinatawag na “langit”. Sa ilalim ng punong nasa tagong lugar
sa campus. Dito niya inuubos ang oras niya, sa pagsulat ng liham paara sa hindi
pa nakikilala na kaibigan.
Dalawang taon na
ang nakakaraan ay hinukay niya ang parte ng lupa na kinatitirikan ng puno.
Naintriga kasi
siya dahil nakaumbok ito at tinabunan ng patay na dahon na
pinatungan ng malaking bato. At sa paghuhukay ay nakakita siya ng isang kahon
na may lamang liham mula sa isang lalaki na hindi makapagsabi ng nararamdam sa
kanyang iniirog.
Puno
Pasensiya na kung naisturbo ko ang iyong pananahimik at hinukay
ko pa ang lupa dito. Gusto ko lang sana
na may mapagsabihan ng aking malaking problema. May babae na talagang iniibig
ko pero natatakot akong sabihin sa kanya dahil baka isipin niyang pinaglalaruan
ko lang siya at gagamitin. Pangit siya at parang kinatatakutan ng lahat dahil
sa kanyang hitsura.Palagi ko siyang inaasar pag nakikita ko siya kahit saan.
Kapag nakita o nasilayan ko ang kanyang mukha ay nasasabi
ko sa sarili ko na “ kahit pangit may karapatang mag-aral at hindi dapat
ikahiya ang kung ano mang meron sa’yo pati na ang pagiging matatag sa gitna ng
mga pangungutya ng mga tao sa paligid.
Naiinis nga ako sa aking sarili dahil lagi ko na lang
siyang tinutukso, kasi naman wala siyang ibang pinapansin kundi ang mga libro
at mga kaibigan niyang maganda.
Nakikita ko kung gaano siya kasaya sa piling ng mga ito.
Siguro ay tunay ang pagkakaibigan nila, walang bahid ng kaplastikan hindi tulad
sa akin. Ako marami akong kaibigan pero alam kung hindi sila totoo sa akin.
Kinaibigan lang nila ako para makilala at may mahingian ng tulong
Sana nga lang at hindi lang ikaw ang makaalam ng problema
ko para may makapagpayo sa akin ng personal. Sana talaga at may magkamaling
humukay sa lugar na ito upang mabasa niya ang liham ko. Sige salamat at
pasensiya na ulit malaking puno sa isturbo. Paalam na at hanggang sa muli kong
pagpunta rito. Sana sa pagbalik ko ay may liham
na din dito .
Ariel☺
Ang unang liham na kanyang nabasa dalawang
taon na ang lumipas. Dahil sa kanyang pagiging “curious” kuno. Sinagot niya din
ito.
Ariel
Kumusta? Pasensiya na at ako ang nakabasa ng liham mo.
Pero siguro ayos lang sa’yo dahil naghahanap ka ng makakabasa nito at
makakabigay sa’yo ng payo tungkol sa iyong usaping pag-ibig.
Alam mo pareho lang tayo na may gusto sa isang tao pero
ang pagkakaiba lang ay guwapo ang gusto ko at ako hindi. Kilala siya pero ako
kilala rin sa paraan ng pangungutya.
Ang taong gusto ko ay palagi nalang akong tinutukso at
sinasaktan ang puso kong lihim na umiibig sa kanya. Pero ayos lang at least
pinapansin niya ako bahala na kung masakit. Sige dito ko nalang tatapusin ang
kwento ko. Ako nga pala si Debbie. Kung ayaw mo akong maging kaibigan ay ayos
lang sa akin. Hindi ako marunong mamilit ng mga tao. Paalam na. Debbie☺
Sa nakalipas na dalawang taon ay lagi niyang
sinusulatan si Ariel. Matapos niyang mabasa ang inilagay na liham ni Ariel at
mailagay ang liham ay ibinaon na niya
ulit ang kahon.
Papasok na si Maki sa silid niya
para sa English 03 ay binunggo na naman siya ni Revo. Lagi niya itong
ikinakaila na kilala niya ito, ayaw niyang may mapag-usapan ang mga tao tungkol
sa kanya, tama na iyong mukha niya niya ang pinagtsitsismosan ng mga tao sa
paligid. Nakangiti pa si Revo habang nakatingin sa kanya matapos siyang
bungguin.
“Ano ba? Bakit mo
ako binunggo? May ginawa ba akong kasalanan sa iyo? Ha?” pag-aasik niya.
“Wala lang!” Sagot
nito na patuloy pa rin sa pagngiti.
“Bakit ka ba laging
nagpapapansin?”
“Hoy! Babaeng
halimaw! Your so ambitious, to think that I want your attention. Take a look of
yourself in the huge mirror. Your like a person with a very critical disease”
ang pang-iinsulto nito sa kanya.
“Lalaking parang
baliw sa kangingiti. Huwag mo akong daanin sa ingles mo at hindi kita uurungan.
Ayos lang sana
na tawagin mo akong halimaw pero ang api-apihin mo ako ay iyon ang hindi ko
mapapalampas” napaiyak na
siya at handa ng tumulo ang kanyang
mga luha.
“Hoy! Halimawa
umiiyak ka ba?”
“Ewan ko sa’yo”
sabay pasok sa silid nila.”
Tuluyan ng tumulo
ang luha niya at nilapitan siya ng kaibigan niyang si Dess na kaklase din nila.
“Okay ka lang ba
friend? Anong gusto mo upakan ko na lang iyang crush mo?! Hindi na yan tama ha!
Sobra na iyan.” Galit na sambit sa kanya ng matalik niyang kaibigan.
“Huwag na, wala din
namang mangyayari eh! Hayaan nalang natin ‘to”
“Ang ganda pagmasdan na pati kalikasan ay pinagsasabihan nila ng
problema o ano mang hinaing meron sila kahit hindi nila ako nakakausap pero
kinakaibigan pa rin nila ako. Isipin man nating mabuti ay kaunti nalang ang mga
tao na kinakaibigan ang isang tulad kong anak ni Inang kalikasan. At marap ang
pakiramdam na sa munting paraan ay may natutulongan akong mga mortal na hanapin
ang tamang landas sa paghahanap ng tunay na pag-ibig.
Pero ang hilig
talaga ng mga tao sa lihim. Kay daming lihim na daopat ibunyag upang malaman at
magkaroon ng resulta na ikaliligaya ng karamihan. Tulad ng mga nilalang na ito
na itinatago ang mga nararamdaman. Tao nga naman.”
Nasa ilalim ng puno si Revo, dito
siya naglalagi at nagsusulat ng liham sa isang babaeng naging kaibigan ng dahil
sa pagiging mapanuri daw nito sa mga bagay sa paligid, Debbie ang pangalan ng
hindi pa nakikitang kaibigan. At hinukay ang lupa kung saan niya inilibing ang
liham na naglalaman ng kanyang suliraning pag-ibig. Sa loob ng dalawang taon ay
ito ang kanyang ginagawa araw-araw. May bagong liham na nasa loob.
Debbie
Humihingi ng
tawad. Ang manhid ko talaga. Palagi ko na lang nasasaktan ang taong mahal ko.
Ayos ka na ba? Sana
magkakilala na tayo upang opisyal na talaga tayong magkaibigan. At para kasing
ang lahat ng ginagawa ko ay ginagawa din ng taong gusto mo sa’yo.
Ariel☺
Matapos
magsulat ay nagpahinga siya sa ilalim ng puno hanggang sa hindi niya namalayan
ay nakatulog na pala siya.
Nagising si Revo sa
pagsayaw ng puno na kanyang likuran. Bigla siyang napamaang sa kanyang
nabungaran.
“Naku po!”
“Hi there! I’m Dios
meaning Diosa. I’m the guardian of these tree. Pwede mo na ring sabihing isa
akong diwata.” saad ng isang babaeng nakaputi at may dalang kumpas.
“Sino ka? Anong
kailangan mo sa akin?”
“Alam mo Revo.
Kilala kita o mas angkop sabihin nakilala na kita dalawang taon na ang
nakakaraan. At alam ko ang iyong suliranin.”
“Bakit mo ako
kilala? Kung kilala mo ako , eh! Paano?anong suliranin ang sinasabi mo?”
“Wow! Excited ka
naman masyado. Calm okay?”
“Eh! Paano ako
kakalma kung may hiwaga akong iniisip.? Sino ka ba talaga? Sige na naman
sabihin mo na.” natatakot niyang tanong.
“Okay,
dalawang taon na ang nakararan ay may lalaking naghukay sa lupa na nakapalibot
sa akin. Sa paghuhukay ng lalaking iyon ay nagambala ang aking pamamahinga.
Nakita ko siyang sumulat ng liham at inilagay sa isang kahon at ibinaon sa
lupang kanyang hinukay. Sa liham nga niya ay nakalagay ang paghingi niya ng
paumanhin sa ginawa niyang paghuhukay at ang pakikipagkaibigan” pagbabalik
tanaw ng babaeng nakaputi.
“Naaalala niya nuon ang kanyang ginawa, hindi niya akalain na
totoong may espirito ang puno. Akala niya ay sabi-sabi lang yun ng mga
matatanda. Pero ngayon ay naniniwala na siya sa mga sabi-sabi.” -Nasa isip
niya.
“Hey! Boy alam ko ang iniisip mo! Hindi kami sabi-sabi lang,
okay? It’s just that, people don’t believe in supernaturals or those who exist
but can’t be seen by the ordinary eyes. Gets
aketch?” masayang pagtatama ng diwatang si Diosa.
“O- kay! A-A- Anong kailangan mo sa akin? Anong maipaglilingkod
ko sa’yo?” pag-aalinlangan niyang tanong kay Diosa.
“ Hmm. Alam ko kasi ang sagot sa problema mo. Want to know how?
It’s too easy. It’s just a click and whisp of my wand. Got it? Let’s try.”
Biglang nawala ang babae, nagulat siya sa nangyari kaya bumalik na
lang siya sa pagtulog..
Walang magawa si Maki kaya patungo siya ngayon sa puno at baka
maabutan niya ang tunay na Ariel. Habang hawak niya ang isang pocketbook ng
Precious Hearts Romance. Ito ang paboritong babasahin niya. Nakakolekta na siya
ng higit sa isang daan dito. Sa pagbabasa nito ay parang nasasalamin ng kwento
ang kanyang buhay pag-ibig o ang buhay niya mismo.
Habang naglalakad
at nagbabasa ay napansin niyang may nagpapahinga sa puno, nagmamadali siyang
pumunta doon. Laking gulat niya kung sino iyon, si Revo. Nagkaroon siya ng
hinuha na baka si Revo at si Ariel ay iisa lang. liningon niya ang pinagbaonan niya ng kahon
pero may mali
dito. Hindi na ito tulad kanina ang
ayos. Nasa ibang lugar na ang bato at mababaw lang ang pagkakalibing ng kahon
dahil kita pa ang dulo nito.
Sa pagdududa niya
ay bigla niyang tinadyakan si Revo na natutulog.
“Hoy lalaki
bumangon ka nga diyan” hindi man niya ito gustong gawin pero parang may humila
sa kanya upang gawin iyon.
“ Aray! ano ba? “
kamot ang ulo na bumangon si Revo. At mababakas
sa mukha nito ang pagkagulat sa kung sino ang gumising sa
kanya.
“Lalaki, kanina ka
pa ba ditto?”
“Oo, kanina pa,
pagkatapos ng English natin. Bakit ba?”
“Kung ganun alam mo
ba kung sino ang humukay sa parting iyon?” turo niya sa lugar kung saan
nakalagay ang kahon.”
“Ako, Bakit ba?”
dalawang taon ko na inilalagay ang kahon nay an diyan. Pakialam mo kung hukayin ko iyan?”
“A-Ariel? Ikaw si
Ariel?” gulat na tanong niya kay Revo.
“Oo, ang kulit mo
naman. Bakit ba?” para itong nagdedeleryo. Nakapikit ito habang nagsasalita.
“Hindi mo ako kilala?”
“Kilala kita Noh!
Ikaw yong babaeng gusto ko. Pangit pero maganda ang kalooban. Matalino at yung
lagi kong inaasar para lang mapansin ako.” Parang lasing na sagot ni Revo sa
tanong niya.
“Revo, totoo ba
yang pinagsasasabi mo? Huwag ka magbiro ng ganyan dahil mababaw lang ang luha
ko.” Hindi makapaniwalang
tanong ulit niya.
“Oo naman, hindi ako sinungaling no! hindi ko lang masabi sa’yo
dahil takot akong mabasted. Baka sabihin mong ginagamit kita at pinaglalaruan
lang kita.”
“Bakit mo sinasabi sa akin yan?”
“Hindi ko alam.
Takot ako pero hindi ko alam kung bakit nasasabi ko sa’yo ngayon ‘to.”
At mula sa kung
saan ay may lumitaw na babaeng nakaputi.
“Hey! Girl, you’re
here na pala I did’nt notice your
arrival” (parang bakla na nagsalita ang hinuha niyang diwata.)
“I know what you
are thinking of, don’t worry too much. Okay? I’m just here to help these friend
of mine. He don’t know how to tell you his feelings because of his negative
thoughts. “
“Okay.” Lumingon
uli siya kay Revo na parang nawalan ng ulirat. At biglang pinitik ng diwata ang
daliri nito at parang bula na nagising uli si Revo.
“Anong nangyari sa
akin? O halimaw ba’t mo ako pinatid? Ha?” parang gulat na tanong ni Revo sa
kanya. At nang lingunin niya ang diwata ay wala na ito.
Ngayon ay gising na
talaga ang kanyang diwa at nakikita niya na si Maki na nakatanaw sa kanya at
nakangiti na sobrang tamis. At si malamang dahilan ay parang nakakaramdam siya
ng gaan na para bang nawala ang problema niya.
“Oh Bakit ka
nakangiti sa akin ng ganyan?” tanong niya sa dalaga.
“Wala may itatanong
lang sana ako
sa’yo..
“Ano yun?”
“Ah! Kanina may
sinabi ka kasi sa’kin. Gusto ko lang malaman kung totoo iyon?”
“Anong sinabi ko
sa’yo?”
“Na mahal mo ako,
at kaya mo ako lagging iniinis ay para mapansin kita. Totoo ba yon lahat?
“Paano mo nalaman
yan? Sinong may sabi sa’yo? Yung
babaeng nakaputi? Si Diosa?”
“Kilala mo yun?
Pero di na bale yun. Kaya ko nga itinatanong
sa’yo dahil sa’yo yun nanggaling.”
“Ah-ah, eh- eh
kasi—ano ahh. Oo totoo yun, mahal kita kahit ganyan ka. Ikaw ang parang
nagpapakita ng mga bagay na wala ako. Ang pagiging matapang at kayang humarap
sa problema at pangungutya ng mga tao.
Mga bagay na wala sa akin.”
“Alam mo, mahal din
kita kaya lang hindi maipakita sa’yo dahil pareho tayong ayaw masaktan. At
kahit lagi mo akong iniinis ay ayos lang sa akin at least ay napapnsin mo ako.
Pasensiya na at lagi ako nagagalit sa’yo, ayaw ko lang ipakita na may gusto ako
sa’yo baka kasi pag-usapan ako diot sa campus.”
“Pareho pala tayo
ng nararamdaman. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo, sa
pananakit ko ng damdamin mo. Sana
ay mapatawad mo ako.”
“Ayos lang sa akin
yun. Lahat ng sakit ay nawala dahil sa mga sinabi mo ngayon.”
“ Ngayon nalaman ko
na pareho pala tayo ng nararamdaman meron na akong lakas ng loob na itanong
sa’yo ito. Maaari ba kitang
maging nobya?” matapang niyang tanong kay Maki.
“Pero ang mga tao,
baka kutyain ka nila tulad ng hinagawa nila sa akin.”
“Wala na akong pakialam dun. Ang importante ay
tayo.”
At bigla na lamang
lumitaw si Diosa.
“Oh! Sobrang cheesy
niyo naman, can I join?”
Masaya na nilang
hinarap ang diwatang dahilan ng pagkaresulba ng kanyang problema.
“Salamat sa tulong
mo, kung hindi dahil sa’yo hindi ko masasabi ang tunay kong nararamdaman para
kay Maki.”
“Wala kang dapat
ipagpasalamat, ang tunay mong pagmamahal sa kanya ang siyang naging daan para
magkaroon ng magandang katuparan ang inyong pag-iibigan. At dahil minahal mo si
Maki sa gitna ng kanyang panlabas na anyo, may ibibigay akong regalo sa inyo.”
Pumikit ang diwata at sumunod na lang sila dito.” Salamanka, tunay na pag-ibig
na ipinakita ay gawing masaya at maganda.”Pagkatapos banggitin ni Diosa ang
kanyang uyam ay nagkatinginan silang dalawa ni Maki. Ay nawala na itong bigla.
At nagulat siya ng Makita niya ang mukha ni Maki. Nakinis na ito at walang
kulubot.
ang hindi magandang bagay dito.
“Maki ang mukha
mo!”
“Bakit anong
nangyari sa mukha ko? “gulat na tanong ni Maki sa kanya.
“Wala na ang mga
kulubot mo sa mukha. Makinis na ang iyong mukha. Siguro naman ngayon sasagutin
mo na ako?”
“Hmm” paghihimig ni
Maki na parang nag-aalinlangan kung sasagutin siya o hind. “ sige na nga Oo
na.”
“Yes! (sabay talon
ng mataas) salamat sa iyo. Pangako hinding hindi kita sasaktan. Mahal na mahal
kita.” Pangako niya sa kanyang kasintahan.
Magkayakap silang
dalawa ng biglang ang puno ng mangga ay namulaklak. Nabigla sila at napangiti
sa isa’t isa.
Makalipas ang dalawang taon ay
nagpaksal sila Maki at Revo. Napag-alaman nila na ang mga pangalan na kanilang
ginamit sa paggawa ng liham ay ang kanilang ikalawang pangalan. Si Revo ay Revo
Ariel Guezas at si Maki naman ay Maki Debbie Reyes. Sa gitna ng pag-uusap nila
ay kanilang naalala ang nangyari sa puno nuon.
“Hindi ko akalain
na mangyayari ang ganun sa tulad nating ordinaryong nilalang. Ang saya ko ng
malaman na mahal mo pala ako.” Sabi ni Maki
“Alam mo may
dahilan kasi kung bakit hindi ko masabi sa’yo ang nararamdaman ko. Hindi lang
sa takot kong mabasted mo. Ayaw ko talaga masaktan dahil sa bahay lagi na lang
ako nakakakita ng karahasan. Kahit kasi sabihing mayaman kami eh! Lagi naman
nag-aaway sina mama at papa. Kapag kinukulit kita, gusto kong gawin yon para
makuha ang atensiyon mo. Sa bahay ay hindi nila ako pinapansin kahit ako lang
ang nag-iisang anak nila. Kaya gustong-gusto ko kapag nagagalit ka sa akin.
Kahit galit ka ayos lang dahil pinapansin mo naman ako.” Ang pagbibigay linaw
ni Revo sa kanyang mga nagawa nuon.”
“Totoo nga na
makapangyarihan ang pag-ibig.may paraan upang magkalapit ang mga pusong
ilang."
♥♥♥ WAKAS
♥♥♥
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)